^

PSN Showbiz

Angelika, Sunshine nakatakdang mag-away

-
Apektado na raw ang friendship ngayon nina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon. Kaya naman huwag na raw tayong magugulat pa if one of these days ay nag-aaway na sila.

"Kanya-kanyang siraan daw kasi ang nangyayari ngayon buhat sa kani-kanilang kampo. Kanya-kanyang gawa ng istorya. Kanya-kanyang tsismis at bidahan. And that, patalikod daw ang kanilang tarayan!

Nariyan nga ang mga paninirang si Angelika raw ang nagkakalat na nagi-ecstacy si Sunshine, habang pinagkakalat naman daw ni Sunshine na nagkukulong si Angelika sa kanyang van kasama ang rumored boyfriend nitong si Miko Sotto?

Saan nga raw kaya ito hahantong lalo pa’t parehong aminado sina Angelika at Sunshine na nabawasan na ang closeness sa kanilang dalawa ngayon? Na ’di na sila ‘tulad nang dati na super tsikahan pa sa isa’t isa’?

"Friends pa rin kami and I don’t think na magagawa ni Angelika na itsismis ako na nagi-ecstacy. I really don’t believe it. I know her and I know that she’s not like that," sabi naman agad ni Ms. Dizon.

"Wala rin akong right para panghimasukan ang pakikipagrelasyon ni Angelika. Kung sila na ni Miko, labas na ako ro’n. Wala rin akong pakialam kay Miko at kung may dapat akong protektahan, si Angelika ’yon," aniya pa.

"Matagal na rin naming sinasabi ni Shine na huwag kaming padadala at paaapekto sa mga intriga. Hindi rin namin alam na baka gusto lang kaming sirain para ’yung show naming pinagsasamahan ay masira rin," pahayag naman ni Ms. dela Cruz.

"Kasama na talaga rito sa business ang mga siraan at sana nga lang, huwag kaming matalo ni Shine sa ganitong sistema rito. Sayang din naman kung basta masisira kami nang dahil lang sa walang katuturang bagay," ang sinundan pa niyang pakiusap. (Ulat ni Robert Perez)

ANGELIKA

CRUZ

KANYA

MIKO

MIKO SOTTO

MS. DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with