Libre si Regine!
May 23, 2001 | 12:00am
Nakipag-partner na muli si Regine Velasquez sa kanyang bayaw (asawa ni Cacai Velasquez) na si Raul Mitra para iprodyus ang kanyang pinaka-bagong album na pinamagatang "Pangako Ikaw Lang". Mahusay ang tandem nilang dalawa na napatunayan sa matagumpay na "Ang Kailangan Ko’y Ikaw" na malakas pa rin sa market ngayon.
May 12 tracks ang album na isinasaayos sa distinctive style ni Regine. Kasama rito ang remake ng "With A Smile" ng Eraserheads at ang classic na "Someone to Watch Over Me".
In line with the release of "Pangako Ikaw Lang", magkakaroon ng special promo para sa mga unang buyers ng album. Nagsimula na nung Lunes, bawa’t CD purchase ng album ni Regine mula sa mga selected record outlets will get an invitation to an exclusive listening party na magaganap sa June 4 sa OnStage Greenbelt. Makukuha ang CD upon presenting the invitation at the entrance of OnStage sa June 4.
Regine will be singing the tracks of her latest album as well as some of her hit songs with a full band set up.
Samantala, maligaya na si Regine na muling mapayagang pumunta ng US. Matatandaan na kinansela ang kanyang US visa matapos na siya ay maparatangan ng human smuggling last year. Sa tulong ni Atty. Garfinkle, muling binibigyan ng isa pang pagkakataon ang magaling na singer. Sa kabila nito, sinabi niya na baka sa isang taon na siya pumunta ng Amerika. Tatapusin na muna niya ang mga commitments niya rito.
Tapos na rin finally ang kanilang movie ni Aga Muhlach sa Viva Films na pinamagatang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Isa itong love story na kalulugdan ng mga nakapanood ng una nilang pagtatambal na Dahil May Isang Ikaw at nasa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. The movie will be shown makatapos na ang kasal ni Aga kay Charlene Gonzales.
There was a time, before Charlene came into Aga’s life, na inaakala ng marami na magkakaroon ng magandang follow up ang kanilang romansa sa screen. Pero, hindi yun nangyari. "We are just good friends who have such good chemistry kung kaya inaakala ng mga nakapanood sa amin na may namamagitan sa amin, pero sa totoo lang, talagang magkaibigan lang kami," ani Regine nang huling makausap ko.
Bumalik na naman ng Viva Records si Andrew E. sa pamamagitan ng isang 10-album contract. Sa kumpanyang ito nagsimula ang matagumpay na career ni Andrew E. 10 taon na ang nakakaraan.
Isa lamang siyang disc jockey sa Euphoria nang madiskubre siya ni Ramon Jacinto nung 1990. It was after this that he recorded his first big hit, ang "Humanap Ka Ng Panget". Sinundan ito ng napakarami pang hits na nagdala sa kanya sa sumunod na dekada. Ito ang "Andrew Ford Medina", "Huwag Kang Gamol", "Alabang Girls", "Mahirap Maging Pogi", "Binibini", "Bastos Daw" at marami pang iba. Umalis ng Viva si Andrew apat na taon na ang nakakalipas para mag-record sa Japan. Natupad naman ito. Nakagawa siya ng Japanese album dun sa pangalang Anduro E. na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang benta at airplay sa radio. Hindi siya sa Viva bumalik kundi sa Sony Music.
Sa kasalukuyan, napakalakas ng airplay ng kanyang "Banyo Queen" na malapit nang isalin sa pelikula with no less than Rica Peralejo in the lead role.
Ang "Humanap Ka Ng Panget" also made Andrew E. a successful movie star playing opposite the country’s biggest actresses and stars. Ilan dito ang Megamol with Sharon Cuneta, P’re Hanggang Sa Huli with Robin Padilla, Manchichiritchit with Maricel Soriano, Ang Boyfriend Kong Gamol with Alice Dixson, Neber 2 Geder with Redford White, Pretty Boy with Ana Roces, Alabang Girls with Herbert Bautista, Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko with Charlene Gonzales, Mana Mana with Bayani Agbayani, Tusong Twosome with Janno Gibbs. Kasama siya ni Rica Peralejo sa Banyo Queen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended