Master impersonator
May 20, 2001 | 12:00am
Nakakatuwa talaga itong si Jon Santos. Habang tumatagal ay parami ng parami ang kanyang kayang i-impersonate.
Masasabi natin na sa itinagal tagal niya sa showbis ay ka-liga na rin niya si Willie Nep, ang original master impersonator sa ‘Pinas.
Ang kaibahan lamang ay mahigit tatlong dekada na ang naipupundar na ekspiryensiya ni Willie sa industriya.
Napansin ninyo ba na halos lahat ng ginagaya ni Jon sa Ispup, ang award-winning "intelligent satire" ng Singko, ay puro mga babaeng personalidad? Sina Armida Siguion Reyna, Charo Santos Concio, Sen. Miriam Santiago ang ilan lamang sa kilalang showbis at political personalities na gamay na gamay na niya ang "katauhan" ‘ika nga.
Effortless na ang panggagaya ni Jon sa nasabing mga figures, obvious naman ‘di ba dahil sa mga segment ng Ispup, featured palagi si Jon at mabiling-mabili sa audiences ang kanyang mga patawa. Pero hindi lang for female only ang versatility ni Jon dahil siyempre, wala ring lusot sina Manoling Morato, Ralph Recto at Atty. Francis Pangilinan sa kanyang panggagaya. Kita ninyo naman sa recent "halalan spoof" ng Ispup; lutang na lutang ang galing ni Jon. Pati field reporters at political ads, ay ‘di pinalagpas ng programa.
Siyanga pala, bukod kay Jon, kapansin-pansin rin ang pagkahasa sa pag-arte nina Candy Pangilinan bilang Mareng Minnie, gayundin ang regular support cast ng programa na sina Manuel Papillera aka Ate Guy at Marvin Martinez aka Shawie, at ng Ispupniks. Lately nga pala ay madalas rin ang guesting ni Selina Sevilla sa programa at mukha namang promising ang kanyang talento bilang sexy-comedienne (will she be another Rufa Mae Quinto?).
Iba talaga pag nakasabayan mo sa programa sina Willie at of course, Leo Martinez. Kakahiya naman ‘di ba kung artista ka, at ka-eksena mo ang mga batikang artistang gaya nila, tapos wa ka-exert effort to prove your "k" sa acting ‘di ba?
Anyway, kung gusto ninyong matawa, manood na lang ng Ispup, tatak orihinal ng ABC!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended