Canto Boys umaarangkada sa recording
May 19, 2001 | 12:00am
Matuling nakikilala ngayon sa larangan ng recording ay ang Canto Boys sa pamamagitan ng kanilang signature song na pinamagatang "Tonight & Forever," isang Tagalog-English composition na napapaloob sa kanilang self-titled album na inilabas kamakailan ng MCA Universal. Umiinit na ang awitin sa radio airlanes at malapit nang mapabilang sa top hits ng bansa.
Inaasahan na ang "Tonight & Forever" ay magiging daan para sa Canto Boys upang makamit ang kanilang matagal na panaginip na makilala bilang mahuhusay na mang-aawit at manunulat. Nakikita naman ang "Tonight & Forever" ay kagigiliwan ng marami dahil sa simple nitong melody at mga titik na nagsasaad ng sitwasyon na maaaring makaugnay sa marami.
Ang Canto Boys ay binubuo ng makikisig at machong-machong magkapatid na sina Joseph at Christopher Astor na katutubong Pampanga. Ang kanilang pangalan ay nagmula sa Kastilang salitang "Cantar" na ang ibig sabihin ay "umawit". Ito nga ang dahilan kung bakit ang Canto Boys ay pumasok sa larangan ng recording upang marinig ang kanilang magagandang kantang likha.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended