^

PSN Showbiz

Alas! nagbabalik pelikula

-
Ang pelikulang Carta Alas. . . Huwag Ka Nang Humirit ay comeback movie ni Ace Vergel pagkatapos ng halos ilang taon ding pamamahinga sa paggawa ng pelikula. Huling pelikula ni Ace ang Armado ng Star Cinema at mula noon ay hindi na ulit siya tumanggap ng movie offers.

Sa pagpasok ng taong 2001, nag-decide ulit si Ace na gumawa ng pelikula. Tinanggap niya ang offer ng FLT Films International na gumawa ng isang action movie kasama sina Antoinette Taus, Piel Morena, Jean Saburit, Efren Reyes, at Wowie de Guzman.

Nakatrabaho ni Alas sa kauna-unahang pagkakataon ang box-office director na si direk Joe Carreon na siya ring gumawa ng monumental hit na Burlesk Queen Ngayon at ng Ooops Teka Lang starring Robin Padilla and Claudine Barretto na ipinalabas lang kamakailan.

Ang Carta Alas. . . Huwag Ka Nang Humirit ay istorya ng isang matapat na alagad ng batas (Ace Vergel) na naka-encounter ng mga bagitong bukas-kotse gang na kinabibilangan nina Wowie de Guzman at Antoinette Taus. Dito iikot ang istorya ng pelikula. Ipapakita ang ginagawang pago-operate ng sindikato nina Wowie at Antoinette na sa bandang huli ay sila rin ang magiging daan para mahuli ang grupo.

As expected, nasa pelikula pa rin ang magic ni Alas at ang pagiging bad boy niya. Ang mga dialogue na sintigas ng kanyang kamao. Ang mga suntok na sintalim ng kidlat na gustong-gusto ng kanyang mga fanatics. Pero syempre, nando’n pa rin ang pagiging malambing at maasikaso ni Ace sa kanyang mga kaparehang babae.

Samantala, kontrabida ni Ace Vergel sa pelikula ang magaling na karakter aktor na si Efren Reyes, Alvin Anzon at Dick Israel. Napalaban nang husto si Ace sa tatlo. Si Piel Morena naman ang magiging love interest dito ni Ace, pero eventually, mahuhulog din ang loob ng aktor kay Antoinette Taus na kapatid ni Piel sa pelikula.

ACE

ACE VERGEL

ANTOINETTE TAUS

CARTA ALAS

EFREN REYES

HUWAG KA NANG HUMIRIT

PIEL MORENA

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with