^

PSN Showbiz

Mylene, nag-waitress sa resto ni Judy Ann

-
Nagulat na lamang ang mga kumakain sa katatayong restaurant ni Judy Ann Santos sa Timog Ave., QC na may pangalang Kilimanjaro nang isang gabi ay makitang nagsisilbi sa mga kumakain ang magandang aktres na si Mylene Dizon.

Syempre, marami ang gustong si Mylene ang mag-asikaso sa kanila bagaman at hindi naman sila mapagbibigyang lahat ng aktres, lalo’t hindi naman ito totoong waitress at nagpakitang gilas lamang sa kanyang kaibigang si Juday na honored na honored sa ginawa ng kaibigan.

Magmula nang magbukas ang Kilimanjaro ay dito na nagpapalipas ng panahon si Juday kapag libre.

Ito marahil ang dahilan kung bakit SRO ang lugar at kahit na patay na oras ay marami ang tao.

Hindi lamang mga ordinary diners ang pumapasok sa restaurant kundi mga yappies, mga artista at kung sinu-sino pa.

Marami na ring pagkain na nakalagay sa menu ang alam nang ihanda o lutuin ni Juday.

Katunayan, puspusan ang pag-aaral niya ng mga lutuin na marami ay mula sa kapwa artista niya.

Minsan ang chef ng Aresi Restaurant na si Marites Gutierrez ang nagturo sa kanya ng ilang mga recipes na madali naman niyang natutunan.

Mamayang gabi, sa selebrasyon ng kanyang b-day, ilan sa mga ihahanda ni Juday sa kanyang mga bisita ay siya mismo ang magluluto.
*****
Nagmistulang labanan ng bandang Freestyle at Side A at nina Lani Misalucha at Verni Varga ang opening presentation ng kabubukas na UFO’s Planet Rock na matatagpuan sa Makati Cinema Square nung Miyerkules ng gabi. Nagpamalas ang apat ng kanilang pinaka-magagandang awitin sa kasiyahan ng SRO audience na sumaksi sa pagbubukas ng pinaka-bagong entertainment place. Finale entertainer si Gary Valenciano na tinitilian ng marami habang kumakanta. Maski nga ang kasama kong si Letty Celi ay hindi mapigil ang humanga sa kagalingan ni Gary V.

Napakaluwang ng lugar na inihalintulad ang pagkakagawa sa mga club na matatagpuan sa Las Vegas. Maluwang din ang dance floor. Ang booth para sa DJ at bar ay kasing-laki ng UFO (as if nakakita na kaming lahat nito).

Bumaha ng pagkain. Maging ng drinks. Open bar. Pero, bakit ganun? Walang tubig. I had to pay P118.00 for two bottles of Mineral Water.

Go kayo dun tomorrow for a mother’s day celebration. Kakanta si Lani Misalucha. Tickets are priced at P300. Tawag kayo kay Daisy o Agnes (8978183 )o Malu Abad (8111752).
*****
May pahabol ang dalawang tumatakbong Kongresista, isa para sa 5th district ng Manila na si Dr. Peck Cantal at ang ikalawa ay si Cong. Alfred Romualdez ng Tacloban, Leyte.

Nahuli namin ang napaka-galing na si Dr. Cantal habang nagpapatila ng ulan sa Manila Hotel bago sumama sa motorcade na magtatampok sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Napaka-accommodating ng nag-iisang Pilipino na nakabilang sa political economists of the world. Kahit miminsan ko pa lamang siya nakilala ay sincere sa kanyang pakikipag-usap at pagbabahagi ng kanyang talino sa isang katulad ko. He could easily land a seat in GMA’s cabinet para maibahagi ang kanyang expertise pero mas minarapat niyang tumakbo sa eleksyon at ipagkatiwala sa mga mamamayan ang kinabukasan ng kanilang lugar at maging ng bansa na alam kong mapapaganda ng isang katulad niya.

Nagpakita naman ng restraint si Congressman Alfred nang sa halip na mapikon sa ipinakitang kagaspangan ng kanyang kalaban, nang tirahin nito ang kanyang kabiyak na si Cristina sa halip na siya ay magalit nag-concentrate na lamang sa isyu na pinaglalabanan at mga mabubuting bagay na nagawa niya during his term. Ipagpapatuloy na lamang niya ang pagpapaunlad ng kanyang bayan at maging ng kabuhayan ng mga nasasakupan niya.

ALFRED ROMUALDEZ

ARESI RESTAURANT

JUDAY

KANYANG

LANI MISALUCHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with