Suportado ng kanyang public service record si Connie
May 1, 2001 | 12:00am
Sa muling paghahangad ni Quezon City Vice Mayor Connie Angeles ng isa pang termino, tinatayang mas matatag siya sa ngayon keysa una niyang pagtakbo.
Kumbaga sa isang puno, na siyam na taon nang nakatayo sa lupa ng pulitika, napakalalim na ng baon sa kanyang mga ugat at mahirap nang tibagin. Ngunit hindi lamang popularidad ang sinasan- dalan ni Connie kundi, higit sa lahat, ang kanyang public service record sa panahon ng kanyang panunungkulan–mula sa pagiging konsehal ng third district hanggang sa pagiging bise alkalde ng pinakamalaking lungsod sa Metro Manila.
Bago siya pumalaot sa larangan ng pulitika, una siyang nakilala bilang co-host ng Kapwa Ko Mahal Ko – ang malawakang programa sa telebisyon na napakarami nang dukha ng siyudad na natutulungan. Ang naturang programa ay naging stepping stone din ni Senador Orly Mercado tungo sa larangan ng pulitika.
Maging sa pangarap ay hindi sumagi kay Vice Mayor, na dati ring artista, na ang Kapwa Ko Mahal Ko ay si- yang maghahatid sa kanya sa daigdig ng pulitika. Sa mungkahi ni Senador Mercado ay sinubukan niyang tumakbo para konsehal sa third district – at hindi naman siya nabigo. Ganun din ang kanyang mga constituents na nagtiwala sa kanya at ginawa siyang number one councilor nuong 1992. Ang pulitika, sang-ayon kay Vice Mayor ay karugtong lamang ng kanyang patuloy na public service program upang higit na makahatid ng serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.
Sa kanyang panunungkulan bilang two-termer councilor ay itinatanghal siya bilang Manuel L. Quezon Award Hall of Famer bunsod ng tatlong magkasunod niyang panalo ng pinakamithing award for outstanding service na taunang ginagawad ng Quezon City Hall Press Club. Bilang bise alkalde at presiding officer ng city council ay hinahangaan din siya dahil sa kanyang kakayahan. Politics of performance ( at hindi popularidad at personalidad) ay siyang sinasandalan ni Vice Mayor Connie Angeles sa muli niyang pagsasapalaran sa larangan ng pulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
19 hours ago
19 hours ago
Recommended