P.3-M winner ng 'Millionaire' show
April 29, 2001 | 12:00am
Isang 26 na taong gulang na graduate ng political science mula sa University of Mindanao at nagngangalang Jose Mykel Avellanosa ang nanalo ng P300,000 noong April 19 episode ng Who Wants To Be A Millionaire. Kinuha ni Mykel ang nasabing halaga matapos na hindi niya masagot ang ika-13th na tanong sa contest. Tatlong tanong na lamang sana at maiuuwi na niya ang P2M na jackpot prize. Ibibigay niya ang bahagi ng kanyang napanalunan sa charity at ang matitira ay pagsisimulan niya ng isang maliit na negosyo.
Ang P.3M ang pinaka-malaking halaga na napanalunan sa nasabing quiz show na nagsimula sa Britain at napapanood sa mahigit sa 30 bansa. Host ng show si Christopher de Leon at napapanood Lunes, Martes at Huwebes, 8:00 ng gabi sa IBC 13.
Isa itong presentasyon ng Viva Television na suportado ng PLDT, Smart, Banco de Oro, Traders Hotel at Phillips. Dinadamitan si Boyet ng Sari-Sari. Lahat ng gustong sumali ay mangyaring tumawag sa premium phone service na kaloob ng PLDT,1-908-1000000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended