^

PSN Showbiz

Ang paborito ni Rica

-
Marami ang nagulat kay Rica Peralejo nang lumabas siya sa isang campaign ad sa TV kung saan buong ningning niyang iniendorso si Obet Pagdanganan sa Senado.

Nando’n ang mga katanungan kung bakit napapayag si Rica, and that, kung bakit nagtiwala si Obet sa isang Rica Peralejo na kilala ngayon sa larangan ng pagpapaseksi?

Ano nga raw bang relasyon meron sila? Magkamag-anak daw ba sila? Mag-tiyo raw ba sila?

"It’s just that, isa lang ako sa malaki ang paniniwala sa kanya. He’s one of my favorite candidates and it just so happened na nauna siyang lumapit para humingi ng tulong at suporta," paliwanag naman agad ni Ms. Peralejo.

Kung paniniwalaan pa ang tsika, hindi rin daw nagpabayad si Rica sa nasabing ad campaign for Obet, na siya ring pinatotohanan ng dating gobernador ng Bulacan.

"Malaki ang pasasalamat ko na hindi ako napahindian ni Rica to think na walang bayad ’yon dahil wala naman akong maibabayad. Kaya I’m very thankful of her," sabi pa ni Pagdanganan.

Sa kabila nga ng isyung mahal ang singil ni Rica sa kanyang mga appearances, maraming napabilib si Rica sa kanyang ginawa bilang patotoo lang na hindi lahat ay pera sa kanya! (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

KAYA I

MS. PERALEJO

OBET

OBET PAGDANGANAN

RICA

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with