^

PSN Showbiz

Willie, pinababalik sa MTB?

-
Now it can be told na kawalan si Willie Revillame sa Magandang Tanghali Bayan. Lately kasi ay talaga raw mababang-mababa ang rating ng MTB as in nagpapa-panic na ang management.

Hindi raw nakatulong sina Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Rico Yan para maka-survive ang show sa pagkawala ni Willie since February.

Ini-expect kasi ng management na puwedeng ipalit ang trio nina Rico, Marvin at Dominic sa grupo nina Willie, Randy Santiago and John Estrada. Pero hindi nangyari. Maraming nagsasabi na hindi puwedeng palitan sina Willie dahil hindi ganoon kagaling ang humor nina Rico.

Actually, sa e-mails ng mga readers ng PSN ko unang narinig ang comment na hindi na nga raw ngayon maganda ang MTB at parang co-host na lang daw sina Randy and John sa pagpasok nila Rico. So nag-try akong panoorin ang show.

True. Hindi na nga ganoon kaganda ang MTB kumpara no’ng nandoon pa si Willie. Hindi nga puwedeng i-compare sina Rico kina Willie. Ito ay sa kabila ng naririnig kong sinasabi nila na mataas na mataas ang rating nila.

Totoong minsan mayabang si Willie sa show na minsan ay naiirita rin ako, pero kailangan pala ‘yun.

Kaya naman ayon sa isang source ng Baby Talk, may offer daw uli ang ABS-CBN kay Willie para bumalik sa MTB as in pinababalik daw ang komedyante sa show. True kaya ito?
*****
Speaking of MTB, no comment si Bayani Agbayani sa John Estrada-Vanessa del Bianco issue. "Swear hindi ko talaga alam ‘yan. Saka hindi naman nagkukuwento si John sa akin. Si Gary (Lim) ang tanungin n’yo kasi mas close silang dalawa," pag-iwas ni Bayani nang tanungin siya sa controversy sa dalawang co-host niya sa Magandang Tanghali Bayan. Usap-usapan kasi ngayon ang tungkol kina Vanessa at John at wala talagang gustong magsalita.

Maging ang tungkol sa sinasabing memo sa kanila na nagbibigay ng ultimatum na kailangang tumaas ang rating ng MTB at kung hindi ay papalitan na ay ayaw mag-comment ni Bayani. "Wala talaga akong alam tungkol sa mga sinasabi n’yo," iwas na iwas na sagot ni Bayani.

Pero nang tanungin siya tungkol sa issue kung totoong under de saya siya ng asawang si Lenlen, without batting an eyelash, inamin niya na under siya ng kanyang asawa. "Okey lang ‘yun," he says para sa press visit ng Baliktaran opposite Rufa Mae Quinto na nag-last shooting day last Wednesday.

Anyway, malayo na nga ang narating ni Bayani - isang dating katulong lang ng ina sa pagtitinda ng gulay sa Divisoria, ngayon big time comedian na. Hindi na halos siya maabot. Regular siya sa MTB at sunod-sunod ang pelikula. "Sipag at tigaya lang talaga ang puhunan para matupad ang pangarap. ‘Yung experience na ‘yun din ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para mangarap," he says sa isang previous interview.

Anyway, matagal ng concept ni Direk Al Tantay ang Baliktaran. Pero nahirapan silang maghanap ng chance para magsama sina Bayani at Rufa Mae sa pelikula.

At kung bakla si Bayani sa pelikula, tomboy naman si Rufa Mae. Although nag-portray na rin naman siya ng gay role, hindi pa rin comfortable si Bayani sa ganitong character. "Mahirap in a way, pero okey lang."

At any rate, tuloy ang showing ng Baliktaran sa May 5.
*****
Nagi-exist pa rin talaga ang feel good movie - and the public patronize it.

Ang proof: ang currently released Aga Muhlach-Joyce Jimenez starrer, Narinig Mo Na Ba Ang L8est ay kumita ng halos P6 million nang mag-showing ito sa Metro Manila theaters last Wednesday. "We were quite apprehensive as to how the movie will fare at the box-office when it had its first day last Wednesday. It coincided kasi with the arrest of President Erap. But obviously, napatunayan ng Star Cinema sa publiko na once it release a film, kailangan mapanood agad. After all, what’s foremost talaga in our minds when we think of a project is not just to keep the audience happy but also to make them feel that it’s worth their money," she says.

Most probably, ilan pa sa mga reasons kung bakit kumita ang pelikula ay dahil first team-up ito nina Aga at Joyce. First movie rin ito ni Aga in two years, Joyce’s first film where she is not required to bare, reunion movie nina Aga at Direk Jose Javier Reyes at tungkol sa tsismis ang pelikula na sinasabing favorite pastime ng Pinoy.

Officemates sa isang advertising agency. Sina Aga at Joyce sa Narinig Mo Na Ang La8est at favorite subject silang pag-tsismisan sa kanilang opisina.

Showing pa hanggang next week ang nasabing pelikula.

BALIKTARAN

BAYANI

JOHN ESTRADA

MAGANDANG TANGHALI BAYAN

RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with