Ungrateful daw ang showbiz
April 27, 2001 | 12:00am
Tulad ng ibang industriya, ang local showbiz ay may panahon ng kasagsagan at panahon, gaya sa ngayon, ng katumalan. At kapag dumadaan ang mga araw ng mga pelikulang nilalangaw sa takilya, marami ang nag-iisip na magbago ng hanapbuhay at umalis na sa showbiz at lumipat sa ibang propesyon gaya halimbawa ng pagbebenta ng insurance. At sinasabi rin na may tinatawag namang religious organizations na kung susuriin mo ay para na ring showbiz ang dating, hindi nga lamang entertainment ang kanilang ibinebenta kundi ang kaligtasan ng iyong kaluluwa, at upang maengganyo ang madla ay sari-saring gimik din ang ginagamit ng mga organizers para makuha ang paniniwala ng mga taong gusto nilang akitin.
Ano nga ba ang ibinebenta ng entertainment industry? Di ba konting aliw, lungkot, konting luha, laking kasiyahan, awit, tugtog, sayaw upang makalimot ka sa loob ng dalawang oras ng iyong pang-araw-araw na problema. Pero bukambibig na ungrateful daw ang showbiz. Walang utang na loob, pag napiga ng showbiz ang iyong popularity o ang iyong talent, para ka nang isang basura na patapon. Pero masasabi rin na ang mga taong nakikinabang sa showbiz, bibihira pa rin ang mga taong haligi ng industriya ang masasabi mong may ibinabalik na kagandahang-loob sa industriya bilang ganti sa kanilang biyaya na natamo mula rito. Kung meron man, kokonti lamang ang mga iyon.
Hindi naman masasabing walang impluwensya ang mga artista dahil may mga puwesto sa gobyerno upang magamit sa pagbabago pa ng kalagayan sa ating pelikula at showbiz. May mga kongresista at senador tayong artista, may presidente pa nga, pero parang wala silang magawa sa pagtulong sa nakuha nilang kabutihan ng industriya. Ang isyu tungkol sa matatag na tax policy, ang malinaw na kautusan tungkol sa movie censorship, ang klarong batas tungkol sa pagpasok ng pelikulang kakumpitensya ng local movies, ay hindi pa rin masolusyonan hanggang ngayon.
Kokonti lamang ang tunay na big movies na ipinapalabas ngayon sa mga sinehan sa Maynila at karamihan pa nga rito ay mga pelikula ng karahasan gaya ng Double Take, 3000 Miles to Graceland, The Seducer, Anti-Trust, Exit Wounds na sobra sa dami ng scenes of violence. Dinudumog pa rin ang Sweet November, isang hindi kapani-paniwalang kuwento ng pag-ibig ng isang cancer victim na si Sarah (played by Charlize Theron) na naninirahan sa San Francisco, California. Medyo may pagka-Bohemian ang kanyang lifestyle. Upang malasap niya ang lahat pa ng karanasang maidudulot ng nalalabi pang panahon sa kanyang buhay, napagpasyahan niyang ilaan ang bawat buwan ng taon sa isang taong makakasama niya sa kanyang bahay sa loob ng buwan na iyon.
Inaakala niyang sa loob ng panahong iyon ay maidideretso niya ang buhay ng taong makakasama niya, at matuturuan niyang maging mas mabuting tao ito pagkaraan ng kanilang pagsasama. Si Keanu Reeves, isang successful advertising executive ay aksidente niyang nakatagpo at parang tinadhana talaga ang kanilang pagkikita. Si Sarah ay parang isang free-spirited woman na sa tingin niya ay parang hindi maganda ang pagpapatakbo ng buhay ni Nelson na walang inatupag kundi puro trabaho at mismong girlfriend nito ay napapabayaan niya. Nawalan ng trabaho si Keanu (sa papel na Nelson) at bagaman hindi naman siya talagang naghihirap sa buhay, inaakala niyang isang adventure sa buhay ang makasama ang isang babaeng may pagka-kalog.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended