^

PSN Showbiz

Leo, nakaligtas sa aksidente

-
Mabuti na lamang at safe and sound na nalagpasan ni Leo Martinez nang aksidenteng sumalubong sa kanya noong Lunes ng madaling-araw while he was on his way to Bagac, Bataan for the taping of Ispup’s summer special.

Kasama ni Leo ang kanyang driver, pinsan at production assistant na si Lito Nuñez nang maganap ang insidente. Naligaw kasi ang kanilang grupo at ‘di nila inaasahan na magiging madulas ang kanilang daraanan, bukod pa rito ay ang low visibility ng highway ng Bagac ang mga dahilan kung bakit naganap ang lahat.

Kung makikita ninyo ang black BMW na siyang ginamit ng comedian ay talaga namang sasabihin ninyo na isang himala na ’di man lang napaano’t nasaktan ang aktor; totally damaged ang kanyang sasakyan dahil sa pag-ikot nito at pagtaob sa bangin. Samantala, ’di naman pinalad si Lito, ang kanyang PA, na siyang nagtamo ng mahabang sugat sa kanyang noo bunga ng kanyang pagkakauntog at paghampas sa loob ng sasakyan.

Mabuti at may isang pamilyang humangos sa lugar ng aksidente at tumulong na rin na ihatid sina Leo sa Montemar kung saan naroroon ang production team ng Ispup, matapos nilang maghanap ng pinakamalapit na klinika o hospital.

Ayon sa isang insider, bandang-alas onse ay nag-aalala na ang EP ng show na si Mon Torres dahil late na ay wala pa ang aktor gayung never naman nali-late ito sa mga tapings. ’Yun pala ay may nangyari na ngang hindi maganda kay Leo.

Sa kabila ng nangyari, alam ninyo ba na nakuha pa ng aktor na mag-taping matapos nilang manggaling sa Isaac & Catalina Multi-Specialty Center para magpa-check up.

vuukle comment

AYON

BAGAC

CATALINA MULTI-SPECIALTY CENTER

ISPUP

KASAMA

LEO MARTINEZ

LITO

LITO NU

MON TORRES

MONTEMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with