Tataasan pa raw ang kontribusyon sa SSS? huwag na naman
April 24, 2001 | 12:00am
Halos matumba ako sa sama ng loob nang malaman ko na pinag-iisipan na naman ng mga kinauukulan na itaas ang halaga ng kontribusyon sa SSS! Sabi ko, bakit? Feel ko parang malulugi na ako because I have been giving my contributions to this government agency since 1965 and until 2 years ago ay nakakautang ako dito ng halagang P10,000 pero tumigil ito dahil diumano ay delinquent payer ako sa isang low cost housing project na kinuha ko through the office na hindi ko inaasahan ay mayroon palang mga bayad na hindi nare-remit o kung nababayaran man ay hindi sa akin naiki-credit kundi sa ibang tao. Di ba unfair ito because hanggang ngayon hindi pa ito naaayos at myetras, tumataas ang halaga ng porsyento ng utang. Now I am selling my property in Canlubang. Ibalik lang sa akin ang naibayad ko, okay na. At syempre yung arrears, kailangang bayaran din ng bibili.
Bakit naman kailangan kaming mga maliliit na empleyado ang magdusa sa kasamaan ng mga opisyal ng gobyerno na naging dahilan para masaid ang kaban ng SSS? Bakit kami?????!!!!
Bakit hindi ikuha ng insurance ang pondo para kung ganitong may nangyayaring anomalya ay ang insurance ang sumagot at hindi ang mga tao?
Bakit ang tao ang palaging nagdurusa? Eh, marunong naman akong bumoto. Hindi ko kasalanan na palpak ang mga opisyal ng gobyerno dahil hindi ko naman sila ibinoto. Yung mga matitino na palagi kong inihahalal ay natatalo. Buboto na naman ako ngayon ng inaakala kong sasalba sa bansa but I am sure, mabibigo na naman ako. Kung hindi sila matatalo, ay malamang makalimutan nila ang kanilang tungkulin, sa tao at sa bayan. Tsk. Tsk. Tsk.
Ang Bayantel ko pinaputol ko na dahil halos kasinglaki na ng bayad sa serbisyo ng telepono ang currency adjustment na sa mga consumer na naman sinisingil. Bakit ang PLDT mas mababa ang currency adjustment? Magpaliwanag nga ang kinauukulan.
Ang Meralco, lubhang napakataas ng singil. Isang maliit na bahay lang ako na gumagamit lamang ng aircon tuwing gabi (7:00pm to 6:00 am). Gas ang stove ko. Ang iba pang electrical appliance ko ay telepono, electric fans (4 )electric iron, ref, rice cooker, airpot at bumabayad ako buwan-buwan sa Meralco ng mula P4,000 hanggang P7,000. May kakilala ako na mas mahaba ang serbisyo ng aircon pero hindi lumalampas ng P200 ang monthly electric bill nila. Bakit ganun???!!!
For the year 2000, kulang-kulang sa P150,000 ang ibinayad naming mag-asawa sa buwis. Ang laki dahil wala na kaming menor de edad na anak at ang 21 year old daughter ko ay hindi na pwedeng gawin dependent although in reality, nakasalalay pa rin sa aming mag-asawa ang gastusin niya sa araw-araw dahil nag-aaral pa rin siya at wala pang pinagkakakitaang sarili. Paano ang ina ko who is 75 years old but still dependent on me? Bakit hindi ko siya pwedeng gawing dependent para maging tax deduction namin?
Okey na magbayad ng malaking buwis kung nakikita mo naman kung saan napupunta ang pera ng mamamayan na dapat ay ipinanggagawa ng kalsada, pang-sweldo ng pulis para proteksyunan ang bansa at ang mga mamamayan, pansweldo sa mga bumbero, street cleaners, atbp. Nakasisiguro rin ako na mas marami sa aming mag-asawa ang mas malaki ang kinikita who pay the government less dahil may magagaling na accountant sila. Bakit hindi sila hinahabol ng gobyerno?
Minsan, iniisip ko it doesn’t pay to be honest. Dahil mas marami ang dishonest. May kilala nga akong nahuling nagnanakaw ng koryente, hinuli pero hindi naparusahan. Dapat nakakulong pero nasa labas at nag-hahari-harian sa kanyang lugar. Magsumbong ka naman pero, parang naghudas ka na ng kababayan mo. Ang daming drug addicts and pushers na hindi isinusumbong dahil natatakot ang mga tao. Kapag kasi dumating sa indultuhan, wala silang proteksyon. Walang matatakbuhan. Magugulo na ang kanilang buhay, manganganib pa sila.
Sa nangyaring plunder sa aking ekonomiya, hindi nakapagtataka kung ang halaga ng lahat ng bagay ay tumaas na naman. Ang mamamayan ang laging nagdurusa, ang umaako ng hirap para lamang makatayo muli ang bansa. Ang mga pinagpala, ayun at nagpapasasa pa rin ng pinaghirapan ng mamamayan. Buong ningning na nasa aircon nilang mga sasakyan, kumakain ng masarap, pasiga-sigarilyo pero kapag nakaahon na kahit kaunti ang bayan, mag-uunahan na naman sila sa pagkuha ng kredito. Tulad ng Edsa, sino ba talaga ang naghirap dito, sila ba? Hindi, pero, napakaraming kandidato ang ginagamit ang Edsa para kumuha ng boto.
Marami ang lubhang naguguluhan kung totoo bang nag-bold si Isabel Granada sa kanyang latest movie sa Regal Entertainment titled Halik ng Sirena. Ini-expect kasi ng mga manonood na makakapanood sila ng isang bare-breasted Isabel in the movie dahil bilang sirena ay wala naman siyang gamit na bra. Syempre, kahit ano pang pandikit ang ilagay niya ay lalabas at lalabas ang kanyang boobs na hindi matatakpan ng kanyang buhok kapag nabasa na ng tubig.
Pero, hindi ang anggulong ito ang gustong gawing promo slant ng movie but more the fact na isa pa ring seksing aktor ang kapareha niya, and together maglulubid sila ng isang kuwento ng pag-ibig tungkol sa isang sirena at mortal na lalaki, kung ano ang mangyayari kapag ang isang lalaki ay humalik sa isang sirena.
Magpapatuloy ang winning streak ni Carlos Morales bilang lalaki na inibig ng sirenang si Isabel.
"Ayokong maikahon sa iisang klase ng pelikula," ani Carlos. "Gusto ko ng mga roles na mati-test ang versatility ko sa iba’t ibang genre ng pelikula, drama, comedy, horror, action at suspense."
"I am told na pagkatapos ng pelikulang ito, magbabago na ang lahat sa akin. Start na raw ito ng panibagong phase ng pagiging artista ko, kasi every actress daw na gumanap ng sirena in the movies ay nag-enjoy ang career nila ng bigger success, and it’s a tradition of success na talagang di malilimutan. I am banking on that. Sana matulad ako kina Charlene Gonzales, Vilma Santos, Alice Dixzon na lalong sumikat matapos maging sirena sa pelikula," ani Isabel.
Kasama rin sa Halik ng Sirena sina Anita Linda, Gerald Madrid, Pinky Amador, Martin Gonzalo, at Bianca Lapuz. Direksyon ni Joven Tan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended