^

PSN Showbiz

Jericho, nag-audition kay Direk Marilou Diaz-Abaya

-
May nakapagkwento sa akin na may follow-up movie si direk Marilou Diaz Abaya matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Muro Ami.


May gagawing pelikula si Marilou tungkol sa giyera sa Mindanao na tatampukan uli ni Cesar Montano under Star Cinema.

Isa sa magagaling na young actor na nag-audition para sa isang mahalagang papel na gagampanan ay si Jericho Rosales.

Mabuti naman at nananamlay na ang mga bold movies at mga youth oriented films na ang balak gawin ng mga prodyuser.

Sexy pa rin si Sunshine kahit buntis na
Nakakwentuhan ko ang isang taong malapit kina Cesar Montano at Sunshine Cruz kung saan sinabing maganda pa rin ang aktres kahit apat na buwan nang buntis. Ayon nga kay Cesar kamakailan, sexy pa rin ang kanyang asawa dahil hindi malaki ang tiyan nito at para lang nagkaroon ng konting bilbil. Mapuputing pagkain ang napaglilihan nito gaya ng siopao at singkamas kaya nakakasiguro siyang napakaputi ng kanilang magiging anak.

Nabawasan na rin ang pagiging selosa ni Sunshine kahit maganda ang leading lady ng kanyang mister sa maaksyong pelikulang Mananabas. Ito’y ang beauty titlist na si Jo Canonizado. Spoiled si Sunshine sa kanyang asawa ayon pa sa aking source dahil gustong makatiyak ni Buboy na magiging maayos ang pagbubuntis nito.
Saging Ang Napaglilihihan Ni Ina
Maganda rin ang pagbubuntis ni Ina Raymundo dahil mahilig din siyang kumain at uminom ngayon ng gatas na hindi niya nagagawa noon. Five months na ang tiyan ng aktres at gusto nga ng nobyo niyang si Bryan Poturnak ay sa Amerika ito manganak pero ayaw naman ng aktres at gustong dito na lang sa bansa magsilang ng kanilang first baby. Lalaki ang pangarap na maging unang anak ni Bryan.

Saging ang napaglilihihan ng aktres. Itinuturing ni Ina na isang napakagandang biyaya ang pagkakaroon niya ng anak kahit wala siyang pinagkakakitaan ngayong eleksyon. Natatandaan kong siya ang paboritong imbitahan noon ng aming kompanya kapag may campaign period ng mga kandidatong tinutulungan ng aming boss.
Noli Boy, Paborito Ng Masa
Inamin ni Noli Boy de Castro na may umiiyak sa kagalakan kapag nangangampanya siya sa malalayong lalawigan. Niyayakap siya at hinahalikan ng matatanda, mga bata, misis at kahit mga lalaki. Nauunawaan niyang ito’y tanda ng malaking paghanga sa kanya ng mga tao.

Bakit naisipang pumasok sa pulitika ni Noli? Ayon sa kanya ay mas malalim ang naitutulong ng isang senador sa mga tao at mas malalapit siya sa mga mamamayan.

Kahit may ilan pa ring naninira kay Kabayan ay hindi siya apektado dahil hindi na ito bago sa kanya. "Kung sinuman ang naninira ay takot na ilagay ang byline kaya naniniwala ako na ito’y pagpapatuloy lang ng dating paninirang ginagawa nila sa akin," dagdag pa nito.

Naniniwala si Noli na hindi magbabago ang pagtingin niya sa mga tao lalo na yong mahihirap dahil sa pagiging makatao at higit sa lahat sa pagiging maka-Diyos.
Imbyerna Sa Produ Ang Seksing Aktres
Isinusumpa ng seksing aktres na hindi na siya gagawa ng pelikula sa isang independent company. Noong una siyang kausapin ng produ ay ipinangakong siya ang magiging bida ng pelikula. Laking gulat niya nang gawin siyang suporta lang ng tunay na bida kung saan isang baguhang sexy star lang ito. May pangalan na ang seksing aktres kaya marami itong movie offer ngayon. Tinawagan na naman siya ng nasabing produ at sinabing gagawa na naman sila ng pelikula na siya ang bida. Imbyerna ang aktres dahil hindi naman ito tinutupad ng produ.

vuukle comment

AKTRES

CENTER

CESAR MONTANO

NOLI BOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with