^

PSN Showbiz

'Di ko iiwan si Erap'- Armida

-
"Kahit maaresto si Erap kaibigan pa rin niya ako, hindi ako marunong mang-iwan ng kaibigan." Ito ang naging pahayag ng kumakandidatong kongresista ng Unang Distrito ng Lungsod ng Makati na si Armida Siguion-Reyna.

Magugunitang si Siguion-Reyna na naging chairman ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang siya ay ilagay sa puwesto ng dating Pangulong Joseph Estrada. Si Armida rin ay isa sa mga kaibigan ni Estrada na hindi bumaligtad sa kanya.

"Ako ay isang tapat na kaibigan. Si Erap ay kaibigan ko. Ngayon, malaki ang problema niya, hindi ako yung tipo ng kaibigan na malaki ang problema ng kaibigan kong si Erap dadamputin ko siya at ilalagay ko siya sa basura. Hindi. Ngayon maaari siyang maaresto, bukas, sa makalawa, o sa isang linggo, hindi ko siya iiwanan bilang isang tapat na kaibigan."

Sinabi rin niya na kung gaano siya katapat na kaibigan ay ganoon din siya katapat sa paglilingkod na gagawin niya kapag nailuklok sa Mababang Kamara.

Sinabi rin ni Senador Juan Ponce Enrile na kanyang tutulungan si Armida, "Ako ay nasa likuran ng aking kapatid, pagdating sa Senado aking susuportahan ang mga panukalang batas na kanyang ilalatag sa Kongreso," sabi niya.

vuukle comment

ARMIDA SIGUION-REYNA

ERAP

JOSEPH ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

KAIBIGAN

MABABANG KAMARA

MOVIES AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NGAYON

SI ARMIDA

SI ERAP

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with