^

PSN Showbiz

Pinakamagandang katawan sa Boracay!

-
Matapos ang four-day elimination rounds na naganap nuong nakaraang April 2, 4, 5, at 6, mayroon nang official candidates ang Boracay Body Search 2001.

Sampung lalake at sampung babae ang napili mula sa mga elimination rounds at na-satisfy nila ang strict standards ng competition at ito ay ang pagkakaroon ng magaganda at healthy na physiques o pangangatawan na magko-compliment sa natural at immense beauty ng island paradise ng Boracay.

Ang mga finalists ay sina Ronald Villar, Frederico Nepomuceno, Tristan Supelena, Gerald Navarro, Jefrey D. R. Navarro, Joel Tarca, Oscar de Guzman, Jonnel Custodio, Joel Esmeralda at si Edward Bantegui para sa male category. At para naman sa female category ay sina Natalie Tuazon, Midsy dela Cruz, Rocele Bergonia, Paula Tesoro, Arlene Son, Mary Grace Lacson, Eliza Raymundo, Precy Pinaroc, Estepahnie Centino at si Kimberly Gonzales.

Ang official candidates na mga ito ay lilipad sa Boracay Island kung saan magaganap ang final night ng competition sa April 28. Ang contest ay magaganap sa Pearl of the Pacific Beach Resort at tropical ang concept ng pageant upang i-compliment nito ang immense at grandiose beauty ng Pearl of the Pacific Beach Resort.

P50,000 in cash at P50,000 worth of prizes ang mapapanalunan ng grand prize winners at pati na rin ang pagkakataon na maging isa sa pinaka-celebrated personalities sa fashion at entertainment industries.

Ang Boracay Body Search 2001 ay produksyon ng Media Alliances Inc. at ito ay idederehe ni Mark Reyes para sa television.

ARLENE SON

BORACAY BODY SEARCH

BORACAY ISLAND

EDWARD BANTEGUI

ELIZA RAYMUNDO

ESTEPAHNIE CENTINO

FREDERICO NEPOMUCENO

GERALD NAVARRO

JEFREY D

PEARL OF THE PACIFIC BEACH RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with