Pag-aalis ng ARB system, tinutulan
April 19, 2001 | 12:00am
Mariing tinututulan ng samahan ng mga lehitimong OPA (Overseas Performing Artist) Managers and Developers sa ilalim ng Confederation of Artist Managers and Developers Asso. (CAMDA), kasama ng ibat-ibang asosasyon ng OPA ang plano ng gobyernong pag-aalis sa pormal na training o pagsasanay na ginagawa bago makapagtrabaho sa abroad ang isang OPA bilang pangunahing hakbang ng pamahalaan upang i-"de-bureacratize" o "i-eliminate" ang red tape sa ARB system.
Magugunita na ang ARB system ay natatag bilang tugon sa ipinag-uutos ng Republic Act No. 8042 na tanging "Skilled OFW" lamang ang makalalabas ng bansa upang magtrabaho. Isa sa pinakamahalagang components ng nasabing sistema ay ang pagkakaroon ng pormal na training sa "academics" at "skills" upang ma-"empower" ang mga OPA na karamihay mga babae, maihanda ang mga sarili "physically, emotionally & spiritually". Sa pamamagitan ng training program na ito ng ARB system, nakapagpapatuloy ng pag-aaral ang ating mga OPAs na karamihay "out of school youth" sa mga araling tulad ng mga karapatan at responsibilidad niya bilang isang OPA sa ibang bansa; Personality Development; Values Education; at Entrepreneurship, kung saan silay nabibigyan ng libreng livelihood programs; at mga seminars na may kinalaman sa pang-ispirituwal na aspeto ng buhay ng isang taomga araling di kayang pag-aralan sa isang araw o anim (6) na oras na pakikinig lamang sa PEOS (Pre-Employment Orientation Seminar) at PDOS (Pre-Departure Orientaion Seminar).
Naniniwala ang CAMDA na dapat manatili ang sistema ngunit, umaayon din sila na kinakailangang i-rebisa at magkaroon ng pagbabago o reporma sa "curriculum" na sinusunod sa "academic training" na kung saan ang ilang aralin ay maaari ng tanggalin at hayaang ang PEOS at PDOS na ang magbigay impormasyon tulad ng mga function ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan, sistema sa NAIA at mga dos and donts ng bansang patutunguhan.
Nananalig ang CAMDA na ang bagong pamunuan ng DOLE, TESDA at POEA na pawang mga babae rin ay masuring pag-aralan ang kahalagahan ng training upang i-empower ang mga babaeng lumalabas ng bansa lalo ng ating mga OPAs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended