Lunod sa isang basong tubig!
April 19, 2001 | 12:00am
May ilang press people ang nakapuna na lumaki na ang ulo ni Angela Velez. Kahit nakakasalubong niya ang ilang kakilalang writer ay dedma na siya at ni hindi man lang bumabati sa kanila. Madaling nalunod sa isang basong tubig si Angela sey ng isang reporter na dinedma niya.
Hindi simbahan kundi gobyerno ang sinisisi ni Kuya Germs Moreno sa kakulangan ng suporta nito para maiangat ang movie industry. At ano naman ang naging reaksyon ng master showman sa nangyaring gulo sa pagpapahinto ng Live Show? Ayon kay Kuya Germs, pwede rin na wala ng censorship na siyang kumukontrol sa mga malalaswang pelikula kaya dapat ay magkaroon ng isang sinehan na magpapalabas ng ganitong klase ng pelikula. Dahil sa Live Show ay nagkawatak-watak tuloy ang mga taga-industriya, ayon pa sa kanya. Naniniwala si Kuya Germs sa freedom of expression pero hindi siya pabor sa pornography.
Si Rowell Santiago ang direktor ng Luv Text na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman. Sinabi ni Rowell na nagi-enjoy siya sa pagdidirek keysa pag-arte.
Inamin niya na noon pa man ay gusto na niyang maidirek si Juday. "Kung magaling si Juday ay magaling din si Wowie," sabi ni Rowell.
Ang Luv Text ang offering ng Maverick Films kung saan tampok din sina Carlo Muñoz at Luis Alandy.
Magaling na rapper si Carlos Agassi at dumating na rin sa wakas ang magandang break nang makasama siya sa Sa Dulo ng Walang Hanggan.
Malaki ang naitulong ng Saan Ka Man Naroroon para lalo pang mahasa sa pag-arte ang aktor. Kahit nakakatanggap siya ng mga puna, nagsisilbi itong hamon para lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho. Ngayon kahit ang direktor na si Wenn Deramas ay hanga rin sa kanya.
May maiinit na eksena si LJ Moreno at Ian Veneracion sa pelikulang Maderazo Bayad na Pati Kaluluwa Mo ng Regal Entertainment. Walang nagawa ang magandang aktres nang ipagawa ang passionate kissing nila ni Ian dahil kailangan naman ito sa istorya.
Natutuwa si Gladys Reyes dahil matapos ang Saan Ka Man Naroroon ay makakasama siya sa isang serye na papalit sa Marinella.
Magtatambal dito sina Vina Morales at Diether Ocampo at baka siya na naman ang kontrabida rito.
Abala na naman ang aming kaibigang si Jun Encarnacion sa darating na pagdiriwang ng 20th Annual National and Make-up Competition Hairdressers and Cosmetologists Association of the Philippines (HACAP) kung saan siya ang board chairman. Isang presidential cup at P25,000 ang naghihintay sa magiging champion ng kumpetisyon kung saan ang maglalaban-laban sa limang kategorya ay mga professional hairdressers at cosmetology students.
Ang buong araw na pagdiriwang ay idaraos sa Abril 27 sa Philippine Trade Training Center sa Roxas Blvd. Makipag-ugnayan lang sa telepono blg. 731-4452 para sa karagdagang detalye.
Sa isang showbiz party ay naparami ang nainom ng isang magaling na lady director. Halu-halo yata ang nainom niya kaya nalasing. Pero masaya siyang malasing dahil maingay at pasayaw-sayaw pa.
Nang malango na ito ay inakbayan na siya ng dalawang lalaki para ihatid sa kanyang sasakyan habang nakamasid ang ibang celebrities.
Ma-PR ang lady director at kapag tapos na ang syuting ng pelikula niya ay gumigimik sila kasama ang ibang artista & crew kung saan nag-iinuman sila. Halos lahat ng pelikulang idinidirek nito ay naging hit sa takilya.
Inamin niya na noon pa man ay gusto na niyang maidirek si Juday. "Kung magaling si Juday ay magaling din si Wowie," sabi ni Rowell.
Ang Luv Text ang offering ng Maverick Films kung saan tampok din sina Carlo Muñoz at Luis Alandy.
Malaki ang naitulong ng Saan Ka Man Naroroon para lalo pang mahasa sa pag-arte ang aktor. Kahit nakakatanggap siya ng mga puna, nagsisilbi itong hamon para lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho. Ngayon kahit ang direktor na si Wenn Deramas ay hanga rin sa kanya.
Magtatambal dito sina Vina Morales at Diether Ocampo at baka siya na naman ang kontrabida rito.
Ang buong araw na pagdiriwang ay idaraos sa Abril 27 sa Philippine Trade Training Center sa Roxas Blvd. Makipag-ugnayan lang sa telepono blg. 731-4452 para sa karagdagang detalye.
Nang malango na ito ay inakbayan na siya ng dalawang lalaki para ihatid sa kanyang sasakyan habang nakamasid ang ibang celebrities.
Ma-PR ang lady director at kapag tapos na ang syuting ng pelikula niya ay gumigimik sila kasama ang ibang artista & crew kung saan nag-iinuman sila. Halos lahat ng pelikulang idinidirek nito ay naging hit sa takilya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am