^

PSN Showbiz

Aktres na ikakasal, sinisiraan ng ina ng isa pa ring aktres sa kanyang magiging biyanang babae!

-
Narinig kong minsan na nag-uusap ang ina ng isang ikakasal na aktres at isa sa kanyang mga kaibigan sa showbis. Ikinukwento sa kanya ng kaibigan na diumano ay panay ang ginagawang paninira sa kanyang anak ng ina ng isa ring sikat na aktres sa magiging biyenan ng kanyang anak. Kahit halata mong nagagalit ito habang nakikinig sa mga kwento ay dama mo rin ang kanyang pagtitimpi. Sinabi niya na bagaman at hindi sila magkaibigan ng ina ng aktres, hindi rin naman sila magka-away. Pareho lamang silang may common friends sa showbiz na ang isa nga ay ang mother ng aktor na nakatakdang pakasalan ng kanyang anak. Ang hindi niya maintindihan ay kung ano ang motibo ng ina ng aktres sa ginagawa nitong paninira sa kanyang anak, sa magiging biyenan pa nito. Nanghihinayang kaya ang ina ng aktres na hindi ang anak niya ang napiling pakasalan ng aktor at sa halip ay ang anak ng isang aktres din?
*****
Ang ganda-ganda naman ng ilang oras na palabas na musikal na ginawa ng ABS-CBN nung Linggo ng gabi bilang selebrasyon ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Sa dinami-dami ng mga nag-perform sa show, it was evident na si Regine Velasquez pala ay maituturing na pinaka-magaling nating singer.

Hindi rin naman nagpahuli si Lani Misalucha who together with Regine ay mga GMA talents na hindi nagkait ng kanilang talino para sa kapakanan ng mga mahihirap na kabataang mag-aaral na itinataguyod ng Dos. The President of the land, Gloria Macapagal Arroyo ang naging panauhing pandangal.

Mahusay yung bagong grupo na discovery ni Ryan Cayabyab, ang Kaya, pero higit na mahusay ang orihinal na grupo ng Smokey Mountain na binubuo nina Geneva Cruz, James Coronel, Jeffrey Hidalgo at Tony Lambino.
*****
Nagpagandahan ng palabas ang mga tv stations nung Easter Sunday, hindi ko tuloy malaman kung alin ang panonoorin ko.

Mabuti na lamang at may remote control, nagawa kong paglipat-lipatin ang channel tuwing commercial breaks. I caught a glimpse of the Robin Padilla-Maricel Soriano film. Napanood ko rin, for the first time, ang Jesus Christ Superstar, pero mas nagtagal ako ng panonood ng palabas ng Dos, yung The Music of Dreams. Nagawa ko ring makapanood ng bahagya ng Angels in the Outfield sa Siyete. Sabi ko sa tape ko na lang tatapusin ang panonood.

Maganda rin yung palabas sa Hallmark Network na pinamagatang Reunion, tungkol sa buhay ng isang pamilya na namatayan ng isang anak at kung paano nag-cope ang lahat ng myembro na sinisisi ang kanilang mga sarili sa kamatayan ng isang myembro nila. The movie starred Peter Strauss at Marlo Thomas. Luma na ang movie pero maganda pa rin ang istorya. Isa sa mga anak si Leelee Sobieski na dalaga na ngayon at isa sa mga sikat na kabataang artista ngayon sa Hollywood.

Maganda sanang manood sa Hallmark Channel pero, parang nanonood ako ng Oscars, boxing matches, beauty pageants na bawat eksena yata ay pinapasukan ng commercials. Wala ngang commercials sa Hallmark pero, pakiramdam ko bini-brainwash nila ang mga manonood nila ng mga house ads, yung mga trailers ng coming shows nila na akala mo naman ay makakalimutan ng mga viewers. Tuloy sa halip na matapos ko ang marami nilang palabas, nakakatulugan ko dahil ipinipikit ko ang mga mata ko kapag nagbi-break at nagpapalabas ng trailers ng mga coming shows nila. Hindi kaya pwedeng bawas-bawasan ng nasabing istasyon ang pagpapalabas ng mga trailer ng mga coming productions nila? Please lang. Kung gusto nilang hindi mawala ang mga viewers nila. As it is ang isang one hour and twenty minute movie ay inaabot ng mahabang oras dahil sa mga house ads. Naman!!! Naman!!!

ANAK

EASTER SUNDAY

GENEVA CRUZ

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HALLMARK CHANNEL

HALLMARK NETWORK

JAMES CORONEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with