Di na problema ang pagkakaiba ng kulay
April 11, 2001 | 12:00am
Pinadalhan kami ng isang HBO tape ng biofilm ni Dorothy Dandridge at si Halle Berry ang bida. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran at buhay ng isang Afro-American actress sa magulong kagubatan ng Hollywood dahil maituturing mong isang gubat ang lugar na tulad ng Hollywood na sa bawat kanto ay may nakaambang panganib at puwede kang mapahamak kung hindi ka matapang at matatag ang loob. Hindi puwede ang basta ganda at talino para ka magtagumpay sa pelikula at ang daming mga naggagandahang black American umano ang nangangarap ding maging rich and famous bilang movie star tulad din ng libu-libong kabataan na naghahangad ng isang career na inaakala nilang punumpuno ng aliw, ilaw at kasayahan.
Ang biofilm ni Dorothy Dandridge ay naka-focus noong kanyang kasikatan noong dekada 60-70 at siya na yata ang pinakamagandang black actress sa Hollywood. Pero minalas siya sa kanyang mga lovers at tuluyang nawala ang kanyang career noong malulong siya sa anti-depressants at iba pang bawal na gamot. Ang biofilm na ito ay ipalalabas sa Abril 21 sa HBO cable channel.
Ang gumanap sa papel ni Dorothy Dandridge ay si Halle Berry na ang tipo at ganda ay parang Caucasian. Mas morena si Dandridge pero mas manipis ang labi at mas matangos ang ilong ni Halle. Pero mas ma-appeal daw si Dorothy at mas sexy. Si Dorothy raw ay parang si Angela Bassett ang dating. Ngayon, ang pinakasikat na black actress sa Hollywood ay si Whoopi Goldberg na nagdadala ng pelikula. Komedyante si Whoopi at madalas ay host sa television and she is considered a big star tulad ng mga black actors na sina Wesley Snipes, Morgan Freeman, Chris Rock, Chris Tucker, Sidney Poitier at Samuel L. Jackson.
Noong araw daw, ang mga leading ladies na tulad ni Dorothy Dandridge ay napapareha rin sa mga sikat na white actors pero alanganin na ang kanilang performance pagdating sa love at sex scenes. Ang racially mixed cast daw noon ay hanggang hawakan lang ng kamay at tinginan ng malalagkit. Walang kissing scenes, walang bed scenes at walang emotionally heavy scenes.
Pero sa napanood kong blockbuster movie na Save the Last Dance, iba na talaga ang panahon at moralidad, dahil si Julia Stiles ay nakikipagromansahan sa kanyang partner na black actor na si Sean Patrick Thomas. May kissing scene at bed scene silang dalawa. Sa napanood ko namang old movie sa cable na Guess Who’s Coming to Dinner, ang problema ni Spencer Tracy at Katherine Hepburn ay tungkol sa kanilang anak na si Katherine Haughton na may boyfriend na Afro-American  si Sidney Poitier. Asiwa ang mag-asawa dahil kahit sila may pagka-liberal, alam din nila ang problemang maaaring kaharapin ng kanilang anak kapag nag-asawa ito ng hindi nila kakulay.
Maging ang mga magulang ni Sidney ay tutol din sa pag-iibigan ng kanilang anak sa isang white girl. Ang environment na ginagalawan ng pamilyang itim at puti ay ang tinatawag na upper middle class kung saan medyo sophisticated na ang attitude ng mga tao.
Sa Save the Last Dance, contemporary ang setting at location sa America at hindi gaanong pinapansin ang mga relasyong black and white races. Mas bukas na ang kanilang isipan tungkol sa racial relations. Pero may mga sagabal pa rin dala ng pagka-konserbatibo ng mga matatanda at may special problems daw ang racial relationsihps gaya ng ipinapakita sa movie.
Karamihan sa mga relasyong napapanood natin sa pelikula at telebisyon ay tungkol sa mahirap na babae at mayamang lalaki. O kaya hindi pantay ang kanilang estado sa buhay. Iyong isa edukado at iyong isa naman ay no read no write.
Ang kuwento ng Save the Last Dance ay umiikot sa isang babaeng mahilig sa ballet na ang planong maging sikat na prima ballerina ay nasira nang mamatay ang kanyang ina. Sinisisi ni Julia Stiles ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang ina na noon ay papunta sana sa kanyang audition upang mapanood siyang magsayaw ng ballet ngunit dahil sa pagmamadali ay nabunggo ito sa sasakyan at namatay. Simula noon ay tumigil na si Julia sa pagsasayaw ng ballet. Napilitan siyang tumira sa kanyang ama na nakatira sa isang neighborhood na karamihan ay mga Afro-American. Dito na siya nag-aral at nakasalamuha niya ang mga black students. Hindi naman siya nahirapang mag-adjust sa bago niyang environment at naging best friend pa nga niya ang isang negrang kaklase. Pero hindi maganda ang unang encounter ng bidang babae na si Julia sa bidang lalake na si Sean Patrick. Medyo nagkaroon sila ng debate sa klase dahil kapwa sila matalino. Ngunit gaya ng mga ibang kuwento, ang nagkakainisan ay siyang nagiging magka-close sa bandang huli.
Ang mga bida, natural ay magkakalapit dahil sa kanilang interes sa pagsasayaw, although syempre, ang hilig ng lalaki ay hip-hop dance samantalang si Julia ay ballet. Tinuruan siya ng lalaking makiayon sa mga dance steps ng hip-hop. Samantala, naisiwalat naman ni Julia kay Sean ang kanyang naging karanasan sa ballet na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Hinimok siya ni Sean na ituloy kung ano man ang kanyang gustong gawin sa buhay kaya’t binuhay ulit ni Julia ang kanyang hilig sa ballet at tinulungan naman siya ng lalaki rito upang makapasok siya sa isang sikat na ballet school.
Syempre, hindi rin sila nakaligtas sa mga mapanuring mata at sa ilang mga kaibigan na gusto silang papaghiwalayin dahil magkaiba sila ng kulay. Ngunit napanindigan naman nina Julia at Sean ang kanilang pag-iibigan despite the fact na ang isa ay puti at ang isa ay itim. Walang malalaking production number ang pelikula pero magaganda naman ang mga eksena nila ng pagsasayaw kahit hindi gaanong bongga. Pero maganda ang soundtrack ng movie at kung hindi ka mahilig sa hip-hop music, siguradong dito ay maa-appreciate mo ito.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended