^

PSN Showbiz

TV, photo coverages, bawal sa FAMAS!

-
Wala naman akong balak na mag-cover ng FAMAS awards night, unang-una ay wala akong tinanggap na imbitasyon. Pero at the last moment, napakiusapan ako ng mga kaibigang sina Emy Abuan at Virgie Balatico na samahan na lamang sila. Si Emy, dahilan sa ang pini-PR niyang movie outfit ay may nominasyon, si Virgie naman ay kinakailangang puntahan ang isa niyang dating alaga, si Donita Rose na isa sa mga hosts ng programa.

Nagulat ako nang dumating kami sa AFP Theater. Sa lobby naro’ng lahat na nakaupo sa semento ang mga potograpo ng iba’t ibang publications. Naro’n din ang mga crew ng iba’t ibang palabas sa TV. Bakit kako wala sila sa loob? Naglalakwatsa ba sila? Sabi ni Jeff Fernando ng Alas Singko Y Medya ay ayaw daw silang papasukin, bawal daw. Ganito rin ang nalaman ko sa ilang potograpo na nakausap ko. One even said na gusto na nilang mag-walk out pero natatakot na mapagalitan ng nagbigay ng assignment. Sabi ko naman kung magkakaisa sila at sasabihin sa mga editors nila ang pangyayari, maiintindihan sila pero syempre, mas namayani ang takot sa ano pang ibang damdamin. Kaya, may coverage ang PSN. Although I would have understood. Kung hindi kami nagkaroon ng coverage.

Bakit naman minaltrato ng nasabing awards-giving body ang mga nagku-cover ng kanilang affair? Mayro’n ba silang pinagbigyan ng exclusive rights nito? Parang wala naman akong nakita. Kung ayaw nilang ma-cover ng ibang publications, they should have made it clear. Madali namang kausapin ang mga taga-press. Marami rin namang affair that evening, marami silang pwedeng puntahan.

Anyway, the major winners were not present. Sayang sina Gloria Romero at Johnny Delgado. I’m sure tulad ni Laurice Guillen, they would have appreciated winning sa sinasabing orig na awards giving body which is the FAMAS nga.
*****
Matapos ang matagumpay niyang stint sa Singapore production ng Rent, balik bansa si Rachel Alejandro para i-promote ang kanyang album sa Viva Records titled "Tanging Pangarap". Kasama sa album ang kanyang winning piece sa Metropop contest last year, ang "Forever In A Day" at ang mga awiting "Be Free To Fall In Love", "High On Love" at ang carrier single na "Tanging Pangarap".

Madalas na namang mapapanood si Rachel sa mga TV shows promoting her album. Mayro’n ding naka-schedule na mall tours na nagsimula na nung April 6 sa SM Megamall. Sa April 26, 4 pm, nasa Robinson’s Place, Manila siya at sa April 22, 4 p.m., sa Robinson’s Galleria.
*****
Sa kabila ng pagiging matamlay ng lokal na pelikula, lalo na ang action movies sapagkat karamihan ng ating mga action stars ay abala sa pulitika, may pelikula si Ian Veneracion sa Regal na pinamagatang Maderazo, Bayad Na Pati Kaluluwa Mo, tungkol sa paghahasik ng lagim ng isang religious cult sa isang malayong probinsya.

"First time kong gumawa ng ganitong pelikula," admits Ian who is making his first film with Regal. Pero alam kong balwarte ng Regal ang mga malalaking aksyon kaya ibang klase rin ang feeling ko ngayon."

In the film, Ian is paired with fast-rising Regal Star, LJ Moreno na gumaganap ng role ng isang babaeng pulis, kapartner ni Ian. Silang dalawa ang na-assign na pigilin ang kulto sa pambibiktima sa mga babae.

Si Jun Posadas ang direktor at gumaganap na main kontrabida si Emilio Garcia.
*****
Isa sa mga bagong artista na nagtatangkang gumawa ng pangalan sa pamamagitan ng paglabas sa mga bold movies ay ang former Calendar Girl na si Kristina Castillo.

Nineteen years old si KC na nagsimula nang mag-artista sa gulang na limang taon. "Lumabas ako sa isang movie ni Anjo Yllana titled Legal Family. I was also included in the cast of Brokendown Palace starring the controversial Claire Danes," imporma niya.

Bagaman at marami na siyang nalabasan, including several commercials, ngayon lamang nararamdaman ni KC ang desire na maging aktibo na sa pag-aartista. "Feel ko, ngayon na ang tamang panahon. At kung kailangan akong magpa-sexy para makilala ako, gagawin ko," tahasan niyang sabi.

May "K" namang mag-artista si KC. Maganda siya, may magandang pangangatawan, matangkad at 5’4’’. Kumukuha siya ng computer course at bagaman at nag-iisang anak ay nagdesisyon nang humiwalay sa kanila at maging independent.

May inihahanda nang launching movie para sa kanya ang El Niño Films titled Pukyutan. Bago ito, mapapanood siya kasama si Chanda Romero sa Paru-Parong Ligaw.

"Dream ko na makapareha si Albert Martinez sa pelikula," sabi niya.

ALAS SINGKO Y MEDYA

ALBERT MARTINEZ

ALTHOUGH I

IAN

TANGING PANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with