15 years na sa pagkanta, di pa rin recognized
April 9, 2001 | 12:00am
Labinlimang taon na si Emma Cordero sa larangan ng pag-awit. Ang pinaka-rurok ng kanyang tagumpay bilang singer ay noong 1986. "After ng Edsa Revolution kasi, yon din ang balik ko para sa second album ko," sabi niya sa isang exclusive interview sa kanyang condo unit sa Royal Plaza, Manila nitong Martes.
Pino-promote niya noon ang carrier single niyang "Mahal Kita, Kahit Ano Ka Pa" at sabi niya, "Noon ko naranasan na mag-ikot nationwide para personal akong mag-promote."
Pero ang tanong, bakit 15 taon na pala siya sa musiclandia, tila hindi pa rin niya maabot ang rekognisyon bilang mang-aawit sa tradisyon, halimbawa, nina Jaya at Regine Velasquez o ni Lani Misalucha na di-hamak namang mas nauna pa siya?
"Kasi, paalis-alis ako ng Pilipinas," katwiran niya. "Isa pang dahilan, kung bakit nagkaganun, hindi naman kasi ako nakakuha ng talagang good producer o manager para bigyan ako ng full concentration sa career ko. Ayokong ma-stagnate. Sanay akong kumikilos at may ginagawa, naghahanapbuhay, ganun."
Maraming pagbabago sa istilo ng kanyang dating sa publiko na ginawa si Emma. "Conservative pa kasi ako noon pero naka-mini, close na close ang blouse. Ngayon, iba na ang packaging ko, may pagka-seductive na sexy, daring kumbaga. Nabansagan din akong "Liyad Queen" dahil nang kantahin ko ang "Hello, My Love", mas daig ko pa raw si Pilita Corrales sa pagliyad, bend talaga ako."
Kung si Pilita ang tinaguriang "Asia’s Queen of Songs", si Emma naman ang binansagang "Asia’s Princess of Songs". Paano niya nakuha ang titulong ito? "Nag-research kasi ang "Parangal ng Bayan" kung sino ang dapat bigyan ng karangalan ngayong taon bilang Asia’s Princess of Songs. Hindi lang dahil nagliliyad din si Pilita, gaya ko, kundi halos lahat ng bansa sa Asia ay nalibot ko na sa kaaawit."
Hindi pa naman huli ang lahat para ang rekognisyon kay Emma bilang isa sa natatanging mang-aawit ng bansa ay makamit niya. Umaani ng tagumpay ngayon ang ika-lima niyang recording album, "The Best of Emma Cordero Vol. 1". At mukhang nasa mid-20s pa lang siya, lalo na sa personal.
Sa Borongan, Samar ipinanganak at lumaki si Immaculada Cordero Conde. Sa Samar siya nag-elementary. Nag-high school siya sa Tacloban. Kumuha siya ng Midwifery sa Ortañez, pagkatapos, pero nag-shift siya ng Nursing. Hindi niya natapos ang kurso dahil naging abala na siya sa pagkanta.
Pang-lima sa anim na magkakapatid si Emma. "Maliit pa ako, nagkahiwalay na ang father at mother ko. I was 7 years old nang una kong makita ang tatay ko. Katorse anyos ako nang makita ko siyang muli. Six years old ako nang mag-asawang muli ang mother ko, pero hindi sila nagtagal. Ayaw ng mga lolo at lola ko yung relasyon nila kaya mahirap din ang kanilang sitwasyon. Ang nanay ko noon, nagluluto ng kakanin, tinapay, kamoteng kahoy, itinitinda niya. Tumutulong ako sa mother kong magtinda. Nagtitinda ako ng kalamay sa eskuwelahan, pag recess. Nagbebenta rin ako ng tubig."
Pero ngayon, si Emma Cordero ay hindi lamang isang sikat na mang-aawit kundi isa ring businesswoman, meron siyang karaoke bar at talent training center. At paano naman ang kanyang lovelife? Isinara na ba niya ang puso niya sa pag-ibig at puro trabaho at singing career na lang ang inaasikaso niya?
"Yung first boyfriend ko, 14 lang ako, high school pa lang. After 4 years, nag-on na kami. Eight years kaming nagkaroon ng communication. Nung magkaroon kami ng formal relationship, hindi kami nagtagal ng one year, kasi, pinapili niya ako. Siya o ang career ko. Sinacrifice ko ang lovelife ko, dahil yung mother ko, ayaw din sa boyfriend ko. Mula noon, hindi na ako nagkaroon ng chance na makipag-boyfriend. Kaya hanggang ngayon, single pa rin ako."
Kahit paano, sabi ni Emma, masaya naman siya sa buhay niya ngayon dahil marami siyang inaalagaang pamangkin at dalawang adopted kids. Naroon pa rin ang nanay niya na nakaantabay.
"Meron namang dalawang Pinoy at isang Japanese na nanliligaw sa akin," pagbabalita niya habang kumikinang ang kanyang mga mata. "Pero sabi ko sa kanila, mas maganda kung friends lang kami para mas matagal ang samahan. Magkakaroon ng gap kapag iba na ang relasyon kasi may limitation na.
"Isa pa, gusto ko, bago ako mag-asawa, makilala muna ako bilang singer talaga. Alam ko, hindi pa naman ako nandudun. Hindi sa wala akong tiwala sa sarili ko. Gusto kong magkaroon ng award bilang recording artist, gold o platinum sa mga album ko."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended