Maraming namamalikmata kay Diwata
April 8, 2001 | 12:00am
Sinuman ang makakita sa litrato ni Diwata ay iisa ang nagiging katanungan: "Bagong bold star ba ‘yan?" Magugulat ka na lang pag nalaman mong isa pala siyang mang-aawit. At pag napanood mo siya sa entablado, hahanga ka talaga. Hindi lang siya seksing manamit kundi may kakaibang istilo sa pagkanta. Maeengkanto ka sa kanyang karisma kaya nga siya tinawag na Diwata. At ngayong isa na siyang recording star, siya’y tinaguriang "Singing Goddess".
Mula sa Asiatec Music Productions na pinamamahalaan ni Sunny Ilacad, ang self-titled album ni Diwata ay may mga awiting sumasabay sa uso tulad ng "Sisirin Mo," "Himas-himasin," "Bakit Mo Ako Ginalaw" at marami pang iba. Siya’y disiotso pa lamang pero tipong handang-handa sa nagiging intriga na kakabit ng kanyang pangalan. O, siya nga ba’y "isang diyosa na bumaba sa lupa upang kumanta?" Sa totoo lang, kay dami nang namamalikmata sa kanya. Kaya sige lang, sige lang, itaas ang kilay... sisirin si Diwata’t mapapawi ang lumbay at magkakaroon ng kulay ang bawat buhay. – ZB

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended