Gary V., payag mag-TV si Angeli, pero..
April 8, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng pagiging isang abalang talent manager ni Angeli Pangilinan Valenciano, siya pa rin ang namamahala ng isang managerial company, ang Genesis, na humahawak sa mga career nina Gary Valenciano, Donita Rose, Hilda Koronel, Leo Martinez, to name a few. Napaka-abala niya kung tutuusin pero, nagagawa pa rin niyang mailagay sa kaayusan ang kanyang tahanan at pamilya na siya namang prioridad niya.
Ngayon ay nalalagay siya sa problema sapagkat mayro’n siyang offer na mag-host sa TV. At bilang isang mabuting asawa, syempre, ikinonsulta niya ito sa kanyang asawa na hindi naman tumutol sa anumang magiging kapasiyahan niya bagaman at nagbigay ito ng suhestyon na kinakailangan niyang bawasan ang mga artistang minamanage niya sapagkat hindi na niya makakayang pagsabay-sabayin ang lahat niyang gawain. Mayro’n at mayro’ng magsa-suffer. Kundi man ang mga artista ay mismong ang kumpanya niya. Baka rin madamay ang kanyang pamilya.
Habang sinusulat ito ay wala pang napagpapasyahan ang magandang ginang ni Gary na ang desisyon will have to wait until after the Holy Week na kung kailan ay mapag-iisipan niya ng mabuti ang kanyang mga options. Maga-out of town silang mag-anak and she will take the time to rest and be with her family. At the same time mapag-iisipan niya ng mabuti kung kailangan nga niyang magdagdag pa ng trabaho o magkasya na lamang sa kasakuluyan niyang workload.
Magiging malaking konsiderasyon ang lumalaking mga anak niya at ang pangyayari na ang isa sa kanila ay sumusunod na sa yapak ni Gary V. at ito ay ang nag-iisang babaeng anak nila, si Kiana. Hindi ibig sabihin ay walang interes ang dalawa nitong nakatatandang kapatid na lalaki, sina Paolo at Gabriel sapagkat nagpapakita na rin ng pagkahilig sa showbiz ang dalawa pero alam din nila na dapat mas pahalagahan nila ang kanilang pag-aaral.
"I have no problems with my kids," ani Angeli. "Napag-usapan na namin ang tungkol sa showbiz at alam nila kung ano ang stand naming mga magulang nila tungkol dito," dagdag pa niya,
Moonstar88 ang pangalan ng isang bagong tatag na banda na nabuo nung Pebrero ng taong 1999. Binubuo ito ng limang kabataan, apat na lalaki at isang babae na nasa kanilang early 20’s -- sina Paolo, Herbert, Tang, Popo at Acel. Mga labi sila ng mga nabuwag na banda na gustong ipagpatuloy ang kanilang pagmamahal sa musika. Marami silang pinagpiliang pangalan, pang 88 ang Moonstar.
Pare-parehong nagko-compose ng mga awitin ang lima. Sa kabila ng kanilang kaabalahan ay hindi nila nakakalimutan ang paggawa ng mga awitin na nang dumami na ay ipinasya nilang i-record at gawing demo sa mga recording outfits. Mahigit isang taon makaraan ang kanilang pagkakatatag, pumirma sila ng kontrata sa Harmony Records, isang dibisyon ng Alpha.
"Popcorn" ang titulo ng kanilang debut album, isang album na nagtatangkang maipakita ang lahat ng anggulo ng buhay tulad ng kalungkutan ng isang nakatakda nang magpakasal, isang kabataang may crush sa isang mas may edad sa kanya, ang kaligayahan na malaman na mayroon kang maaasahan sa gitna ng kagipitan, isang asawa na gustong humingi ng tawad sa kanyang asawa at iba pang kuwento. "Torete" ang titulo ng carrier single, tungkol sa nostalgia at intense sadness.
Ang myembro ng Moonstar88 ay sina Acel Bisa, 24 yrs old, voice/guitars, bus. mgt. grad;, Terence Marcelo, 25 yrs old, guitar/vocals, dentist; William Pineda, 27 yrs. old, drums, UST pharmacy grad/entrepreneur; Paolo Bernardo, bass, 23 yrs. old, UP fine arts/graphic artist at Herbert Hernandez, 19 yrs. old, CAFA student council VP.
Ngayon ay nalalagay siya sa problema sapagkat mayro’n siyang offer na mag-host sa TV. At bilang isang mabuting asawa, syempre, ikinonsulta niya ito sa kanyang asawa na hindi naman tumutol sa anumang magiging kapasiyahan niya bagaman at nagbigay ito ng suhestyon na kinakailangan niyang bawasan ang mga artistang minamanage niya sapagkat hindi na niya makakayang pagsabay-sabayin ang lahat niyang gawain. Mayro’n at mayro’ng magsa-suffer. Kundi man ang mga artista ay mismong ang kumpanya niya. Baka rin madamay ang kanyang pamilya.
Habang sinusulat ito ay wala pang napagpapasyahan ang magandang ginang ni Gary na ang desisyon will have to wait until after the Holy Week na kung kailan ay mapag-iisipan niya ng mabuti ang kanyang mga options. Maga-out of town silang mag-anak and she will take the time to rest and be with her family. At the same time mapag-iisipan niya ng mabuti kung kailangan nga niyang magdagdag pa ng trabaho o magkasya na lamang sa kasakuluyan niyang workload.
Magiging malaking konsiderasyon ang lumalaking mga anak niya at ang pangyayari na ang isa sa kanila ay sumusunod na sa yapak ni Gary V. at ito ay ang nag-iisang babaeng anak nila, si Kiana. Hindi ibig sabihin ay walang interes ang dalawa nitong nakatatandang kapatid na lalaki, sina Paolo at Gabriel sapagkat nagpapakita na rin ng pagkahilig sa showbiz ang dalawa pero alam din nila na dapat mas pahalagahan nila ang kanilang pag-aaral.
"I have no problems with my kids," ani Angeli. "Napag-usapan na namin ang tungkol sa showbiz at alam nila kung ano ang stand naming mga magulang nila tungkol dito," dagdag pa niya,
Pare-parehong nagko-compose ng mga awitin ang lima. Sa kabila ng kanilang kaabalahan ay hindi nila nakakalimutan ang paggawa ng mga awitin na nang dumami na ay ipinasya nilang i-record at gawing demo sa mga recording outfits. Mahigit isang taon makaraan ang kanilang pagkakatatag, pumirma sila ng kontrata sa Harmony Records, isang dibisyon ng Alpha.
"Popcorn" ang titulo ng kanilang debut album, isang album na nagtatangkang maipakita ang lahat ng anggulo ng buhay tulad ng kalungkutan ng isang nakatakda nang magpakasal, isang kabataang may crush sa isang mas may edad sa kanya, ang kaligayahan na malaman na mayroon kang maaasahan sa gitna ng kagipitan, isang asawa na gustong humingi ng tawad sa kanyang asawa at iba pang kuwento. "Torete" ang titulo ng carrier single, tungkol sa nostalgia at intense sadness.
Ang myembro ng Moonstar88 ay sina Acel Bisa, 24 yrs old, voice/guitars, bus. mgt. grad;, Terence Marcelo, 25 yrs old, guitar/vocals, dentist; William Pineda, 27 yrs. old, drums, UST pharmacy grad/entrepreneur; Paolo Bernardo, bass, 23 yrs. old, UP fine arts/graphic artist at Herbert Hernandez, 19 yrs. old, CAFA student council VP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am