^

PSN Showbiz

Gabby, bakit magko-kontrabida kung puwedeng bida?

-
Magkasama kami ni Gabby Eigenmann nang magtungo sa Kilimanjaro Café kung saan nasabi niya na ngayong wala nang kasosyo ang kanyang amang si Mark Gil na nagmamay-ari rin ng isang bar sa Dumaguete ay sila ng ama ang mag-aasikaso nito. Isang taon na lang at tapos na si Gabby ng Hotel & Restaurant Management kaya puwede rin niyang patakbuhin ito. "Tita, iba na siyempre kapag habang bata ka pa ay mayroon kang ibang pagkakakitaan ng pera. Hindi maaasahan lagi ang kinikita sa pelikula," aniya.

Kahit hindi magkasama sa iisang bahay sina Mark at Gabby ay close ang mag-ama. Nalulungkot nga ang aktor dahil nadarama nito ang frustration ng kanyang ama na hindi nabibigyan ng pagpapahalaga sa kabila ng pagiging isang magaling at respetadong artista. "Kasi Tita, tinatamad na si Daddy na magtrabaho dahil kung bayaran siya ng ibang kompanya ay puro post-dated na tseke gayung dibdiban naman siya kung magtrabaho," dagdag pa niya.

Inamin din niyang ayaw niyang ma-typecast na kontrabida dahil puwede naman siyang maging bida. Kaya baka bigyan siya ng soap opera na pang-bida naman. Magaling ang performance niya sa seryeng Umulan Man o Umaraw bilang kontrabida kaya baka manalo siya sa darating na Star Awards for Television bilang best actor o best supporting actor.
Rufa Mae,Type Rin Ni Mikey Arroyo
Hindi kami magtataka kung bakit after Booba ay naging in-demand sa pelikula at telebisyon si Rufa Mae Quinto. Kahit sa mga out-of-town shows ay siya ang hinihiling kaya lang, nagtaas na siya ng presyo. Balitang P120,000 na ang singil niya.

Type rin ni Mikey Arroyo na makapareha si Rufa para gumawa ng pelikula.

Masuwerte ang aktres dahil lalo pang gumaganda ang kanyang career at maraming nagsasabi na marunong kasi siyang mag-share ng blessing lalo na sa maliliit na kasamahan sa hanapbuhay lalo na kapag last shooting day. Nagbibigay siya ng pera sa production staff at crew members.
Maybelyn, Epektibong Kontrabida
Matagal-tagal na rin sa showbis si Maybelyn dela Cruz. Nakilala siya bilang adopted daughter ni Nova Villa sa Home Along Da Riles. Ngayong 18 years old na ang young actress ay nais niyang mag-iba na rin ng image. Sa Click ay kontrabida ang papel niya kaya marami ang nagsasabi na baka siya ang sumunod sa yapak ni Gladys Reyes. Naniniwala siya na makakatulong sa kanyang career ang pagtanggap ng character roles kahit sa pelikula. Marami nang naiinis sa kanyang mga TV viewers kaya naniniwala siya na epektibo siyang kontrabida.

Sakaling papiliin ang magandang dalaga kung ano ang gusto niyang gampanan bilang bida o kontrabida ay mas gusto niya ang maging salbahe dahil challenging ito.

Inamin ni Maybelyn na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang trabaho.
Pahinga Muna Sa ST Films Si Rica
Pagkatapos ng Balahibong Pusa at Sa Huling Paghihintay ay wholesome movie naman ang ginagawa ni Rica Peralejo titled Buhay Kamao katambal si Robin Padilla. Sisimulan na rin niya ang Banyo Queen opposite Andrew E.

Tumitingin na siya ng isang lugar na mapagtitirikan ng kanyang mala-palasyong tahanan. Ito ang pangarap niya ngayon kung saan gusto niyang makita ang bunga ng kanyang pinaghihirapan.
Negosyo Ni Juday
Star-studded ang pormal na pagbubukas ng Café Kilimanjaro noong Sabado na pag-aari nina Judy Ann Santos at Bebot Santos ng Face Value Salon. Punong-abala ang dalawa sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisitang artista at ilang press people.

Ipinasyal kami ni Mommy Carol sa loob ng bar at napakaganda ng loob nito na animo’y napunta ka sa Africa. Natikman namin ang mga espesyal nilang mga pagkain. Dinarayo na pala ito hindi lang ng mga taga-showbis kundi gayundin ng mga young executives kung saan doon na rin sila nagkakaroon ng meeting. Maganda rin itong gawing venue para sa mini-presscon dahil cozy ang place.

Ang daming happening noong gabi ng opening gaya ng face painting, Henna tattoos at mini-fashion show. Ngayon ay mayroon nang pinagkakaabalahang negosyo si Juday katulong ang kanyang mommy at si Bebot.
Ibang Klaseng Malasing Ang Sikat Na Aktres
May nakapagbulong sa akin na dinadaan ng aktres sa pag-inom ang problema. Para sa kanya, ito ang nagiging consolation niya dahil produkto rin siya ng magulong pamilya. Sa murang edad ay nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang at naiwan sa kandili ng kanyang kamag-anak.

Mabuti na lang at napasok siya sa pelikula at sumikat din nang husto lalo na sa mga ST movies. Ngayon ay may problema na naman siya.

"Baka kung ano na naman ang gawin niya! Ibang klaseng malasing ’yan dahil kahit sinong lalaki ay nakikipag-sex siya," sey ng aking source. Mahilig kasing gumimik ang seksing aktres at mahilig sa night life.

Kapag may ST movie ang magandang bituin ay bigay-todo ito sa hubaran gayundin sa maiinit na eksena kaya walang problema sa kanya kahit sino ang direktor.

CENTER

KANYANG

MAYBELYN

NIYA

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with