Sine, bahagi ng buhay Pilipino
April 2, 2001 | 12:00am
Gaya ng karamihan sa mga kabataang Pilipino, ang panonood ng sine ay bahagi na ng aking buhay tulad ng pagsisimba, pag-aaral at ngayon nga ay ang pagtatrabaho. Noong araw, ang panonood ng sine ay isang aliwan lang at basta nga Vilma Santos ang bida, tiyak papanoorin ko iyon. Basta umiyak si Ate Vi, iyak na rin ako at pag nagalit siya sa kanyang mga eksena, galit na rin ako sa kanyang pinagagalitan. Ang sentro at focus ng aking aliw natural ay ang paborito kong artista. Pero ngayon, ang sine para sa akin ay hindi na lang basta entertainment kundi source of information.
Movies that made a difference in my life ay ang Deathrow, Muro-Ami, recently nga ay ang Live Show at Tuhog. Binubuksan ng mga pelikulang ito hindi lamang ang ating mga mata kundi ang ating kaisipan sa iba’t-ibang katotohanan sa lipunan. Siyempre kung ikaw ay laki sa Maynila, sa edad na beinte pataas, may alam ka na sa mga karahasan at kahalayan ng mundo pero kung hindi ikaw mismo ang nalalagay sa sitwasyon gaya ng ipinapakita sa Deathrow o Live Show hindi mo maubos maisip kung bakit may mga ganoong sitwasyon sa mundo.
Sa iyong kabataan siguro mahilig ka sa mga bagay na nakakaaliw pero habang tumatanda ka at nagkakaroon ng kamalayan ay nadaragdagan ang iyong kaalaman. At hindi lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay maganda sa iyong paningin at damdamin. Nalalaman mo ang tama at mali, ang totoo at kasinungalingan–base sa iyong sariling karanasan. Maging sa panonood ng sine, nasasala ang iyong utak kung ano ang food for thought o kung ano ang trashy ideas.
Ang mga pelikulang may kabuluhan ay hindi laging maganda sa paningin. Sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa, na title pa lang ay kinukuwestiyon na ng mga moralista, ipinakita ang karanasan at buhay ng isang single mother, ang problema niya sa mga lalake at ang problema niya sa kanyang dalawang anak na magkaiba ang ama, at kung paano siya mabubuhay sa sarili niyang pagsisikap.
Sa Muro Ami, naipakita ang nangyayari sa isang panig ng bansa–ang exploitation of children sa gawaing Muro-Ami. Ang mga batang paslit ay nabubuhay sa dagat bilang tagahango ng napakaraming isda sa laot patungo sa mga lambat ng Muro-Ami. Naipakita ang hirap ng mga bata na gumaganap ng gawaing para lamang sa mga matatanda.
Sa Deathrow, ipinamukha sa atin ang buhay sa loob ng preso at ang mga bagay na nangyayari sa isang menor de edad na napasok sa bilangguan dahil sa kapabayaan, pagwawalang-bahala at katamaran ng mga abogado at huwes. Sa Anak, tinalakay ang problema at karanasan ng isang domestic worker at ang problema sa pagkakalayo ng isang ina sa kanyang mga anak. Isang pangkaraniwang katulong si Vilma Santos sa Hongkong pero pambihira siyang ina pagdating sa Pilipinas at nagawa niyang pagtagumpayan ang mga masalimuot na relasyon niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Ang Tanging Yaman ay binubuo ng mga naggagandahang artista at magaganda ring tanawin sa probinsiya at lungsod sa Pilipinas at maging sa Amerika. Pero isang pangit na bahagi rin ng buhay Pilipino ang ipinakita sa mga manonood–ang tungkol sa pera at kung paano nito sinisira ang mga relasyon ng isang mag-anak. Ipinakita rin dito ang problema ng isang nagkakaedad na babae at nagiging walang silbi. Kahanga-hanga rito si Gloria Romero bilang isang babaeng may Alzheimer’s disease at maging si Hilda Koronel sa papel ng isang maarugang manugang.
Gusto ko rin ang mga love at romantic stories, ang mga problema ng kabataan tungkol sa kanilang mga pakikipagrelasyon. Si Jose Javier Reyes ang paborito kong direktor pagdating sa pagtalakay sa mga contemporary romantic problems ng contemporary youth gaya ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Hindi ko naman type ang mga sex-oriented movies gaya ng Tuhog at Live Show o kaya yung mga pelikula ng Seiko na ubod ng sexy.
But Tuhog and Live Show go beyond the sexiness dahil ipinakita sa mga pelikulang ito ang mga karanasan ng mga babaeng kumakapit sa patalim. Sa Tuhog, si Ina Raymundo ay biktima ng rape at nabiktima pa siya ulit ng ibang tao nang pumayag ang kanyang ina na isapelikula ang kanyang malagim na karanasan dahil nahikayat sila ng isang movie producer. Doble biktima nga siya–pinagsamantalahan na si Ina ng kanyang lolo, na-exploit pa siya ng producer sa pelikula.
Sa Live Show naman ay para lamang tungkol sa buhay ng ilan sa kalahating milyong kababaihan (ayon sa isang statistical survey) na aktibo sa trabahong prostitusyon sa Maynila at ilan pang sulok sa Pilipinas. Ayon sa survey na ito, ang Pilipinas ang may pinakamaraming babaeng nagpo-prostie–mga call girls, streetchilren, mga freelancer, mga suma-sideline na mga estudyante at mga pangkaraniwang ina ng tahanan.
Habang tayo ay nagkakaisip, tumitindi rin ang ating sense of choice at batay na rin sa ating mga kinamulatan at naging karanasan, alam nating may mga bagay tayong gusto na ayaw naman ng iba at may gusto ang iba na ayaw natin, maging sa pelikula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended