KC, hindi feel ang showbiz
April 1, 2001 | 12:00am
Pinipigil daw ni Sharon Cuneta na mag-showbis ang anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion. Ito raw ang dahilan kung bakit urung-sulong ang pag-aartista ng kanyang dalaginding?
"Kung ako talaga ang masusunod, ayaw ko. Iba kasi ang showbis. Pero kung gusto niya, hindi ko rin siya mapipigil, pero ramdam ko ayaw din niya. Mas gugustuhin ko na tapusin muna niya ang kanyang studies," sabi pa ni Ms. Cuneta.
Ang sabi-sabi, tatalbugan lahat ni KC ang lahat once na pasukin niya ang showbusiness. Puwede rin daw lagpasan ni KC ang kasikatang natamo ng kanyang parents. And that, puwede rin daw isalba ni KC ang nanganganib na industriya ng pelikula.
"Sabi nga nila, puwede raw maabot at malagpasan pa ni KC ang achievemetns ng mga magulang niya. Pero mahirap din with so many stars today unlike nu’ng time namin nina Maricel (Soriano) at Snooky (Serna) na kami-kami lang, ‘di ba? Kaya ‘di pa rin natin masasabi. Pero okey sa akin ang commercial," sabi pa ng nag-iisang megastar.
Hate na hate naman ni Sharon ang politics kahit ito ang mundong pinasok ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan.
"Ang politics kasi, garapalan. Sobra ang gamitan. Hindi mo alam, gagamitin ka lang pala. Mas mabuti sa showbis kahit gamitin ka, alam mong for publicity lang!
"Nakakasuka ang intriga at siraan sa politics. And like I said many many times, wala akong stomach to be in politics. Tama na siguro sa akin ang tumulong at suportahan ang asawa ko!" pagdidiin pa niya.  RP

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended