MTB sa Hong Kong
March 31, 2001 | 12:00am
Ang Magandang Tanghali Bayan, na napapanood tuwing tanghali sa ABS-CBN, ay ipapalabas live sa Hong Kong ngayong Sabado, March 31. Dito rin sisimulan ang special edition ng "Magkapera sa Bayan", kung saan mamimigay ng P10,000 sa limang masusuwerteng televiewers na magbibigay ng tamang sagot sa katanungan kapag tinawag ang kanilang numero.
Pagkatapos ng programa, ang limang mananalo ay isasali sa isang raffle na ang premyo ay ticket para sa dalawang tao papuntang Hong Kong at P20,000 pocket money.
Ang sinumang gustong sumali ay dapat isulat ang pangalan at telepono sa papel at ihulog ito sa drop boxes sa ABS-CBN Broadcasting Compound sa Quezon City.
Nitong nakaraang mga linggo, pumunta ang MTB sa iba’t ibang pook bakasyunan ng bansa, gaya ng Fontana Resort sa Clark, Baguio, Cebu at Davao.
Sina Rico Yan, Marvin Agustin at Dominic Ochoa, mga bagong kasapi ng MTB, ay makikita kasama ng mga hosts na sina Randy Santiago, John Estrada, Christine Jacob, Vanessa del Bianco, Marissa Sanchez, Bayani Agbayani, Gary Lim at Bentong sa special edition ng MTB ngayong Sabado.
Ang MTB ay mapapanood Lunes hanggang Sabado, alas-12 ng tanghali.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended