^

PSN Showbiz

Naghahanda na ba si Loren para sa isang mas mataas naposisyon?

-
Kung sakali man, walang masama kung totoo man na pinaghahandaan na ni Loren Legarda ang pagtakbo niya sa isang mas mataas na posisyon (vice president?) sa taong 2004. Pero, siya na mismo ang nagsabi na hindi siya gumagawa ng maganda para sa kanyang political career. Ito raw ay dati na niyang ginagawa. Maging nung siya ay sa TV pa lamang nagtatrabaho. Marami siyang tinutulungan na tinatawag niyang extended family, mga tao na maging ang pamilya niya ay handang magsakripisyo para mapaganda kahit kaunti ang kanilang mga buhay.

"Pero, hindi ko pinababayaan ang pamilya ko (her husband, and two children, Lanz 11 taong gulang at Lean, 8 taong gulang). Tinutulungan ko pa rin sa kanilang pag-aaral ang mga anak ko bago sila matulog at sabay-sabay kaming magrosaryo sa gabi," pagmamalaki niya during the presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para ilunsad ang kanyang pinaka-bagong palabas niya sa kanila, ang Kabalikat Loren Legarda na isa ring true crime docudrama na katulad ng Calvento Files at Katapat: Mayor Fred Lim. Ang nauna niyang buwanang programang Loren na nasa ABS-CBN will have to give way to the new show na naglalayong magbigay ng solusyon sa maraming problema ng lipunan. Ang magiging kaibhan lang nito sa mga katulad niyang docudrama ay ipi-prisinta ang mga problema sa pamamagitan ng dramatization. Layunin din ng programa na makapagbigay ng madaliang solusyon sa mga problema at mismong si Loren ay makikipag-usap sa mga tao sa pamahalaan na makakatulong sa pagbibigay ng solusyon.

Hindi pa man nakapagsisimula ang Kabalikat Loren Legarda ay mayroon ng grupo ng mga abogado na nag-alok ng kanilang tulong ng libre sa programa ng magandang senador. Tinawag nila ang kanilang organisasyon na Lawyers League for Loren.

Naiangat na ni Senador Legarda ang kanyang sarili sa ginanap na Estrada Impeachment Trial. Ang kanyang matapang na stand at pag-iyak sa botohan na naging resulta ng pagpapabukas ng second envelope ay pumukaw sa damdamin ng marami para muling pumunta ng Edsa.

Ang mga episode ng Kabalikat Loren Legarda ay ididirihe ni Laurenti Dyogi, sa panulat ni Chris Violago.

Mapapanood ang bagong palabas tuwing Miyerkules, 9 n.g. simula sa Abril 4.
*****
Hindi nila siguro akalain na mayro’ng makakakita sa kanila na magiging interesado.

O baka naman kaya talagang hindi na itinatago nina Leandro Baldemor at ang baguhang sexy star na si Stella L. ang kanilang relasyon kung kaya okay na makita silang magkahawak kamay hindi lamang sa labas ng sinehan sa Megamall kundi maging sa loob ng sinehan na pinaglalabasan ng pelikulang Dracula 2000.

Obvious na mayro’ng namamagitan sa kanilang dalawa.

Marami ang nakakilala sa seksing aktor pero ang identity ng kanyang kasama ay matagal na pinag-isipan ng marami at hanggang sa makalabas sila ng sinehan ay isa pa ring palaisipan sa mga nakakita.

Yung source ko lamang ang nakakilala sa kanila sapagkat tagasubaybay siya ng mga happenings sa local showbiz at wala yatang artista na hindi niya nakikilala, baguhan man o datihan na.

Sa mga hindi nakakaalam, nakatapos na naman ng isang pelikula ang baguhang sexy star sa FLT Films kasama sina Aya Medel, Allen Dizon, Gerald Madrid.

May pamagat itong Naked Nights.
*****
Bagaman at huli na, gusto kong makiramay kay Kuya Germs Moreno sa pagyao ng kanyang kapatid na si Carlos Moreno nung isang linggo.

My condolences, too, to colleague Andi Garcia sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina na si Adoracion Garcia.

Sa buhay na ito, wala na marahil na sasakit pa sa pagpanaw ng mga mahal sa buhay. Ang tanging magagawa na lamang natin ay alalahanin sila at ipagdasal.

vuukle comment

ADORACION GARCIA

ALLEN DIZON

ANDI GARCIA

KABALIKAT LOREN LEGARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with