Bojo Molina, sinuwerte sa negosyo
March 27, 2001 | 12:00am
Involved in politics sa bayan ng Laguna ang pamilya ni Bojo Molina. Pero nang pumasok siya ng showbusiness ay naging maboka siya sa pagsasabing malabo pa niyang pasukin ang pulitiko. Posibleng in the near future ay ito rin ang kanyang napuntahan, pero hindi pa ngayon.
Nagbukas ng napakaraming oportunidad kay Bojo ang kasalukuyang propesyon kaya naman patuloy niyang sinasamantala ang kasikatan upang makuha ang ano mang gustong masabat. Nang magkaroon ng sapat na puhunan ay hindi na nagdalawang-isip maglagak ng kanyang share upang mabuksan noong nakaraang taon ang Friends at the Square Bar & Restaurant sa St. Francis Square, Ortigas!
Hindi naging madali ang magdesisyong maglabas ng pera subalit wala siyang pinagsisisihan sa dahilang patuloy namang kumikita magpahanggang ngayon ang naturang bar business nito sa Ortigas! Matagal nang pangarap ni Bojo ang magkaroon ng ganitong klase ng business kaya naman hindi nito mapigilang magbukas pa ng panibagong bar mula Ortigas patungong Malate!
Kasama sina Johann Simm, Wilfred Tiu, Rey Fuentez, Duz Canzana at Albert Nocom ay binuo nila ang konseptong Otwo Bistro Bar & Grill along M. H. Del Pilar Street, Malate na nagkaroon ng blessing and inauguration nitong March 15. Medyo nahirapang pumik-up nung una ang Otwo subalit sa ngayon naman ay unti-unti nang bumabawi ang bar na siya namang ikinatuwa ng lima pang busienss partners nito! Bojo’s who’s looking forward positively hindi lang sa kanyang showbiz career kundi lalo na sa kanyang pinasok na negosyo. – DR

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
February 15, 2025 - 12:00am