Jeremiah signs up with Viva Records
March 23, 2001 | 12:00am
Pumirma ng recording contract ang Jeremiah, sa Viva Records. Ang grupo ang umawit ng monster hits na "Nanghihinayang", "Bakit Ka Iiyak" at ang revival ng "Oh Babe". Sila rin ang umawit ng carrier single ng Original Sound Track (OST) ng pelikula nina Lorna Tolentino at Albert Martinez, ang Abakada Ina. Ito ang revival ng "Sa Ugoy ng Duyan", composed by National Artist for Music Lucio San Pedro. Pero siyempre, itoy nire-arrange para sa Jeremiah upang lumutang ang galing sa pag-awit at harmony ng grupo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended