Biglang nabulabog ang showbis!
March 23, 2001 | 12:00am
Pwede palang mag-unite ang mga entertainment people, sana ginawa nila ito nung humihingi sila ng bawas sa napakalaking amusement tax na ipinapataw ng pamahalaan sa mga taga-pelikula. Sana rin ay magtagumpay sila para naman maging simula ito ng pagbabago na inaasahan nila sa bagong administrasyon. Ang tanong lamang ng marami ay kung sino ba ang tatanghaling bida sa senaryo na magaganap? Tumayo na ang mga lead participants para hindi na magka-gulo-gulo at malaman na kung sino ang sino.
Sa halip na magkaroon ng katahimikan ay parang lalo lamang nagugulo ang bansa sa napakaraming protesta na isinasagawa ng maraming sektor sa bansa, kasama na ang larangan ng entertainment.
Isang malaking rally o demonstrasyon ang isasagawa ng mga taga-showbusiness, artista, producer, singer, at mga production people sa Lunes bilang pagtutol sa ginagawang pagsiki sa kanilang artistic freedom hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng simbahan.
Okey lang kung ini-link si Ronald Gan Ledesma sa kanyang leading lady sa pelikulang Panabla na si Angela Velez para lamang sa promo ng kanilang movie. Maiintindihan na ito ng kanyang girlfriend na si Hanna Villame na isa ring artista at singer.
Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit sa kabila ng nakatapos na ng round ang pelikula sa mga sinehan ay patuloy pa rin sa kanyang magagandang salita at papuri ang action star sa seksing nakapareha niya. To the extent na sinasabi tuloy nila na tinototoo na niya ang panliligaw niya kay Angela. Okay na nung may boyfriend pa si Angela pero ngayon daw na break na ito sa kanyang bf ay parang unethical na magpalipad hangin pa si Ronald lalo’t naipalabas na ang kanilang movie and there’s no need to mention Angela anymore. At mayro’n din naman siyang girlfriend.
Marami ang nagtatanong kung namamangka ba siya sa dalawang ilog? Napaka-ungentlemanly daw niya lalo’t isa siyang iginagalang na action star. Ano kaya ang sey dito ni Hanna?
P8 milyon ang kinita ng Ooops, Teka Lang... Diskarte Ko ’To sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan. Ang pelikula ay pinagtatambalan nina Robin Padilla at Claudine Barretto, ang prinsesa ng soap opera na ngayon ay may bagong seryeng drama sa ABS CBN na pinamagatang Sa Dulo Ng Walang Hanggan.
Ang tagumpay ng pelikula ay isa lamang patunay na kung gustong manood ng pelikulang Tagalog ang mga Pinoy ay nanonood sila. Kailangan lamang siguro ay lagyan ng puwang ang pagitan ng pagpapalabas ng mga magagandang pelikula dahilan sa krisis sa ekonomiya ng bansa. At siguro, naghahanap na ang mga manonood ng pelikula na mapapanood nila ng sabay sabay.
Akala ng Dyna Music ay hindi na sila makakaarangkada sa biglang pagbubuntis ng isa sa mga inilunsad nilang artists. Hindi pala sapagkat nagkaroon sila ng isang bonggang launching ng kanilang mga artist kagabi sa Hard Rock Café na sina Vangel & Rico, Priscilla Almeda, Ina Raymundo, Cindy Rosas, Daisy Reyes, Janna Victoria, Assunta de Rossi, Jo Canonizado, Ynez Veneracion, Rodel Gonzales, Aldoe Rubee at Carlos Morales.
Maituturing na ring isang artista ang senatorial aspirant na si Jamby Madrigal sapagkat bukod sa isa siyang TV host ay isa pa rin siyang singer. Mayro’n siyang isang duet kasama ang Sentimental Songstress na si Imelda Papin na pinamagatang "Ikaw Lamang".
Kilala sa pagiging isang child advocate si Jamby na palagi nang nakikibaka para sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan. She established the Books for Barangay Foundation na nagbibigay ng mga libreng libro sa mga mag-aaral sa elementarya at high school na umaabot na sa halagang P500M.
Ang pagiging isang showbiz personality niya ay isang magandang hakbang para makaabot pa ng mas maraming kabataan at makapag-communicate sa mas maraming tao.
Marami ang gustong mapanood ang naging kaganapan sa Dingdong Avanzado-Jessa Zaragoza wedding na naganap nung Linggo, Marso 18 sa Christ the King Church sa Green Meadow at sinundan ng isang hapunan sa Makati Shangri-La. Kabilang sa entourage sina Vilma Santos, Jackie Forster, Ogie Alcasid at Ara Mina.
Mapapanood ito ng eksklusibo ngayong Linggo sa programang S-Files, 4:00 n.h. Host sina Paolo Bediones at Lyn Ching.
Sa halip na magkaroon ng katahimikan ay parang lalo lamang nagugulo ang bansa sa napakaraming protesta na isinasagawa ng maraming sektor sa bansa, kasama na ang larangan ng entertainment.
Isang malaking rally o demonstrasyon ang isasagawa ng mga taga-showbusiness, artista, producer, singer, at mga production people sa Lunes bilang pagtutol sa ginagawang pagsiki sa kanilang artistic freedom hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng simbahan.
Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit sa kabila ng nakatapos na ng round ang pelikula sa mga sinehan ay patuloy pa rin sa kanyang magagandang salita at papuri ang action star sa seksing nakapareha niya. To the extent na sinasabi tuloy nila na tinototoo na niya ang panliligaw niya kay Angela. Okay na nung may boyfriend pa si Angela pero ngayon daw na break na ito sa kanyang bf ay parang unethical na magpalipad hangin pa si Ronald lalo’t naipalabas na ang kanilang movie and there’s no need to mention Angela anymore. At mayro’n din naman siyang girlfriend.
Marami ang nagtatanong kung namamangka ba siya sa dalawang ilog? Napaka-ungentlemanly daw niya lalo’t isa siyang iginagalang na action star. Ano kaya ang sey dito ni Hanna?
Ang tagumpay ng pelikula ay isa lamang patunay na kung gustong manood ng pelikulang Tagalog ang mga Pinoy ay nanonood sila. Kailangan lamang siguro ay lagyan ng puwang ang pagitan ng pagpapalabas ng mga magagandang pelikula dahilan sa krisis sa ekonomiya ng bansa. At siguro, naghahanap na ang mga manonood ng pelikula na mapapanood nila ng sabay sabay.
Kilala sa pagiging isang child advocate si Jamby na palagi nang nakikibaka para sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan. She established the Books for Barangay Foundation na nagbibigay ng mga libreng libro sa mga mag-aaral sa elementarya at high school na umaabot na sa halagang P500M.
Ang pagiging isang showbiz personality niya ay isang magandang hakbang para makaabot pa ng mas maraming kabataan at makapag-communicate sa mas maraming tao.
Mapapanood ito ng eksklusibo ngayong Linggo sa programang S-Files, 4:00 n.h. Host sina Paolo Bediones at Lyn Ching.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
19 hours ago
By Salve Asis | 19 hours ago
19 hours ago
By Boy Abunda | 19 hours ago
19 hours ago
By Gorgy Rula | 19 hours ago
Recommended