Tiongson, tinanggap sa MTRCB?
March 21, 2001 | 12:00am
Napikon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkabigo ni Movie and Television Review and Classification Board Chairman Nicanor Tiongson na makipagkita sa kanya sa Malacañang noong Sabado. Ipinahiwatig ng Pangulo na baka matanggal siya sa puwesto dahil sa pang-iindyan nito sa kanya.
Sa huling balitang natanggap ng PSN tuluyan nang tinanggal si Tiongson bilang MTRCB chief.
Nabatid na ipinatawag ng Pangulo si Tiongson noong Sabado para pagpaliwanagin sa reklamo ng simbahan at ibang grupo laban sa paglipana muli ng mga malalaswang pelikula. Pero hindi sumipot si Tiongson na ikinagalit naman ng Punong Ehekutibo.
Partikular na binabatikos ng ilang sektor ang paglabas sa sinehan kamakailan ng pelikulang Live Show nina Klaudia Koronel at Ana Capri na sinasabing masyadong malaswa at maging si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ay tutol sa naturang pelikula. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended