Rica Peralejo, produkto ng sipag at dasal
March 20, 2001 | 12:00am
Dati, marami ang nanghihinayang na sumali sa boldwagon si Rica Peralejo, pero nagbago ang kanilang pananaw nang mismo kay Rica manggaling na happy siya sa takbo ng kanyang career ngayon at ni kaunting pagsisisi ay wala siyang nadarama sa ginagawa niyang pagpapaseksi sa kanyang mga pelikula.
"Ito ang gusto ko, ang matagal ko nang pinapangarap. May kinapuntahan ang pagbabago ko ng image, magandang career move dahilan sa magandang kaganapan ng aking pag-aartista," sabi niya.
"The move was a needed element for the growth of my career. But I know my limitations, what I can still do. Hindi lamang naman ang change of image ang dahilan ng pag-unlad ng aking career. You must remember na matagal na rin akong artista at ang mga nagaganap sa akin ngayon ay bunga ng hard work at pagdarasal," dagdag pa niya.
Ang Sa Huling Paghihintay ang una sa maraming proyekto na gagawin ng Viva Films para sa kanya. Isa itong magnum opus in exploiting Rica’s versatility as an actress. Kasama niya sa pelikula na ito ni Direktor Erik Matti ay si Bernard Palanca.
"Bakit nga ba hindi sasabihing ginagamit ni Kiko Pangilinan ang kanyang misis na megastar sa kanyang pagtakbo bilang senador gayong suportado ni Sharon ng buong-buo ang kanyang kandidatura. At ito ang nagpiprisinta na samahan siya sa kanyang pangangampanya.
Sa presscon na magkatulong na ibinigay sa kanya ng Regal Films matriarch Lily Monteverde and Viva’s Boss Vic del Rosario, dumating din si Sharon Cuneta. Pero, hindi lamang siya, naro’n din ang kapatid niyang si Angeli Pangilinan Valenciano at hipag na si Maricel Laxa (asawa ng isa pa niyang kapatid na si Anthony) at ang biyanang si Elaine Cuneta.
Sinasabi ni Kiko na hindi na siya naiilang kapag itinatanong sa kanya ang kanyang sikat na misis. "Matagal ko nang tinanggap na sikat ang asawa ko at ito ay matagal niyang pinagtrabahuhan bago niya nakamit. Pero, natutuwa ako dahil everytime na itanong nila sa akin si Sharon, ang susunod nilang sinasabi ay ang guwapo ko raw pala sa personal," kwento ng kandidato sa pagka-senador.
Idinagdag pa ni Kiko na kung magtutulungan ang lahat ng manggagawa ng industriya ng pelikula, mas mapapadali nila ang pagpapaapruba ng pagpapababa ng hinihinging amusement tax.
"Magtulungan tayo dahil hindi ko ito magagawa nang mag-isa lamang ang ipinakikiusap nyo sa akin," sabi niya.
Kung si Karen Davila ang masusunod hindi magpu-prosper ang sinasabing feud nila ni Korina Sanchez dahil kahit na anong pamimilit ang gawin sa kanya ng mga movie press ay hindi niya kinakagat ang pain nila na pagsalitain siya tungkol kay Korina. "Hindi naman talaga kami nag-aaway. Katunayan ay nagkakasama naman kami sa ilang mga sosyalan pero, siguro ay nagkakailangan lang kami dahilan sa intriga kung kaya nang batiin ko siya ay hindi niya ito sinuklian ng pagbati rin," kwento niya during the formal launch ng kanyang news program na ABS-CBN Headlines (weekdays, 10:30 P.M. Kasama niya sa show sina Erwin Tulfo, Gus Abelgas, Gigi Grande, Carmelita Valdez, Dindo Amparo, Jade Lopez, Mario Dumawal, Weng Orejana, at Tony Velasquez.
"Tiwala naman si kabayan Noli de Castro na hindi na pabaya ang mga taong bayan ngayon at kung nung araw ay nadadaya ang mga independent candidates o yung mga walang partidong sinamahan, ngayon daw ay hindi na. Pagkatapos ng Edsa 2 ay vigilant na ang mga tao sa mga gawaing hindi maganda. Sila na ang magsisilbing bantay sa mga ganitong katiwalian tuwing eleksyon. Hindi rin siya naniniwala na ang pagsama niya sa mga sorties ng mga kandidatong pro-Erap ay makakaapekto ng di maganda sa kanyang kandidatura dahil "Hindi na ibinoboto ang partido ngayon kundi ang tao mismo," aniya.
When asked kung bakit sa palagay niya ay palaging no. 1 siya sa survey ng mga posibleng manalo, sinabi niya na ito raw ay dahil sa marami nang naabot ang telebisyon. "At dahil na rin ito sa naniniwala sila sa aking kredibilidad na sa aking matagal na paglilingkod bilang broadcaster ay hindi nagkaroon ng mantsa ang aking pagkatao," sabi niya.
"Ito ang gusto ko, ang matagal ko nang pinapangarap. May kinapuntahan ang pagbabago ko ng image, magandang career move dahilan sa magandang kaganapan ng aking pag-aartista," sabi niya.
"The move was a needed element for the growth of my career. But I know my limitations, what I can still do. Hindi lamang naman ang change of image ang dahilan ng pag-unlad ng aking career. You must remember na matagal na rin akong artista at ang mga nagaganap sa akin ngayon ay bunga ng hard work at pagdarasal," dagdag pa niya.
Ang Sa Huling Paghihintay ang una sa maraming proyekto na gagawin ng Viva Films para sa kanya. Isa itong magnum opus in exploiting Rica’s versatility as an actress. Kasama niya sa pelikula na ito ni Direktor Erik Matti ay si Bernard Palanca.
Sa presscon na magkatulong na ibinigay sa kanya ng Regal Films matriarch Lily Monteverde and Viva’s Boss Vic del Rosario, dumating din si Sharon Cuneta. Pero, hindi lamang siya, naro’n din ang kapatid niyang si Angeli Pangilinan Valenciano at hipag na si Maricel Laxa (asawa ng isa pa niyang kapatid na si Anthony) at ang biyanang si Elaine Cuneta.
Sinasabi ni Kiko na hindi na siya naiilang kapag itinatanong sa kanya ang kanyang sikat na misis. "Matagal ko nang tinanggap na sikat ang asawa ko at ito ay matagal niyang pinagtrabahuhan bago niya nakamit. Pero, natutuwa ako dahil everytime na itanong nila sa akin si Sharon, ang susunod nilang sinasabi ay ang guwapo ko raw pala sa personal," kwento ng kandidato sa pagka-senador.
Idinagdag pa ni Kiko na kung magtutulungan ang lahat ng manggagawa ng industriya ng pelikula, mas mapapadali nila ang pagpapaapruba ng pagpapababa ng hinihinging amusement tax.
"Magtulungan tayo dahil hindi ko ito magagawa nang mag-isa lamang ang ipinakikiusap nyo sa akin," sabi niya.
When asked kung bakit sa palagay niya ay palaging no. 1 siya sa survey ng mga posibleng manalo, sinabi niya na ito raw ay dahil sa marami nang naabot ang telebisyon. "At dahil na rin ito sa naniniwala sila sa aking kredibilidad na sa aking matagal na paglilingkod bilang broadcaster ay hindi nagkaroon ng mantsa ang aking pagkatao," sabi niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am