^

PSN Showbiz

Julius, kuya sa 'Talk TV'

-
May bago na namang kombinasyon sa mundo ng telebisyon. Sina Julius Babao, Tintin Bersola, Ryan Agoncillo at Janet McBride ay nagsama-sama upang aliwin ang manonood araw-araw tuwing 10:30 hanggang 11:30 a.m. sa bagong programa na pinamagatang Talk TV sa ABS-CBN 2.

Tatalakayin ng mga hosts ng Talk TV ang pinakamainit na balita, pinakahuling kaganapan sa mundo ng entertainment at musika, human interest at isports. Isi-share rin ng mga hosts ang aspeto ng kanilang mga buhay upang ito’y kapulutan ng aral at inspirasyon ng mga manonood. Dahil dito, asahan ang mga maiinit na debate, on-location na mga eksena at iba pa sa Talk TV.

Si Julius ang magsisilbing "kuya" ng grupo samantalang tatalakayin naman ni Tintin ang mga issues tungkol sa mga babae at sa mga kabataan.

Nakatoka sa host at model na si Ryan Agoncillo ang mga segment tungkol sa pop culture sa bansa. Si Janet McBride naman ay makikita sa kakaibang papel bilang tagapagbigay ng kanyang kuro-kuro sa mga iba’t ibang issues na napapanahon.

vuukle comment

DAHIL

JULIUS BABAO

RYAN AGONCILLO

SI JANET

SI JULIUS

TINTIN BERSOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with