^

PSN Showbiz

Ian, nahirapang umiyak

-
Excited na si Ian Valdez dahil bukas na ng gabi Marso 20, ipalalabas ang kauna-unahan niyang prinodyus na telesine, Pusong Babae, sa Channel 13. Ang original na plano sana rito ay ipalabas sa Syete sa mismong Telesine nito, kaya lang, matagal nang nakipag-usap si Ian sa Trese bago pa lang muling ibinalik ng Syete ang nasabi nilang programa na ang initial telecast ay tungkol din sa isang bading, "Ang Lalake sa Buhay ni Amor" na pinangunahan ni Eric Quizon.

"I am so glad na yung ganitong pagpu-portray sa mga gays on television ay nabibigyan ng justification. Kailangan na rin sigurong imulat sa ating society ang kahalagahan ng mga gays at yung pagkakatuklas nila na tayo ring mga gays ay may puso at damdamin," pahayag ng magandang gay na negosyante.

Napanood na siyempre ni Ian ang finished product na nilikha para sa kanya ni direk Pablo S. Gomez. At ano ang impresyon niya rito? "I think magugustuhan ito ng viewing public. Maganda naman kasi ang istorya at casting. Sa mga nakapanood na, sabi nila, kahit wala akong dayalog, nai-express ko yung sinasabi ko through my eyes. Panoorin mo na lang kaya for you to judge yourself?

"Actually, nang sinu-shoot yon, halos lahat take one. Ang pinakamahirap lang na scene doon, yung confrontation namin ni Celia Rodriguez. Nahirapan din ako sa crying scene, kasi expected agad that my tears will flow. Eh ang hirap din ng concentration sa ganung klaseng eksena. Eh kasi, when I used to appear regularly in Goin’ Bananas before, puro comedy ang pinaggagawa ko. Ngayon, heto, biglang drama."

Kaiba sa ibang gay actors, lantarang ipinagmamalaki ni Ian ang kanyang pagiging gay. Kaya naman wala siyang hang-ups sa sarili. "Alam ko naman ang reyalidad. Na ang lalake ay para sa babae. Dapat, tayong mga gays, pag nagmahal tayo, huwag nating ibigay ang pagmamahal natin nang buong-buo dahil hindi naman tayo tunay na babae. Kung minsan kasi, nakakalimot ang gays. Lalo na kung napamahal na siya sa lalake na kadalasan, ang bagsak din eh sa babae."

Naniniwala ba si Ian sa kasabihan na "It is better to have loved and lost than not to have loved at all?" "Bakit hindi? Kaya lang, dapat, bago ka todo-todong magmahal, alamin mo rin sa sarili mo na yung lalakeng minamahal mo, gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Kaya nga, sabi ko, ‘wag mong ibigay ang sarili mo ng buong-buo pag nagmahal ka sa lalake."

Paano mo masasabing nagmahal ka kung hindi ito lubus-lubusan? "That’s your own lookout. Pero kung magiging praktikal ka, gawin mo yung sinabi ko. Para kung sakaling iwan ka ng lalake, hindi ka rin gaanong masasaktan, di ba?"
*****
Si Noilan Torres, 17, ang bagong alaga ni Rey Salac. Pero hindi ba, sumuko na si Rey na mag-alaga dahil halos lahat ng alagaan niya, ayon sa kanya, ay tinatraydor siya? Sabi ni Rey, "Pero iba itong si Noilan. Sa tingin ko at sa palagay ko, hindi siya ang klase na tatraydurin ako. Nadiskubre ko siya sa Rey Salac Star Search at sa palagay ko, siya yung tipong tatanaw ng utang na loob. Pupunta na nga yan ng Japan very soon para lalo siyang mahasa sa pagkanta."

Kamakailan, isinama na ni Rey si Noilan sa kapistahan ng Sta. Maria, Bulacan at Teresa, Rizal kasama rin ang mga bituing sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. "Hindi sa pagyayabang, very warm ang pagtanggap sa amin doon. At nagulat ako dahil sa malakas na palakpakan na ibinigay nila kay Noilan. Para bang ganun na rin siya kasikat," patuloy pa ng Mall Entertainment King.

Ang poging teenstar ay may taas na 5’8’’ at star material. "Maliit pa ako, hilig ko na ang kumanta," sabi ng binatilyong taga-Nueva Ecija. Paborito niyang mang-aawit sina Ricky Martin at Mariah Carey. Sa local, gusto niya sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at syempre pa, ang manager niyang si Rey Salac. "Gusto ko silang kumanta dahil may buhay, nararamdaman yung damdamin na gusto nilang ipahayag sa kanilang kanta."

Bale nagsisilbing manager, mentor at kaibigan si Rey kay Noilan. "Hindi ko kailanman gagawing mag-traydor kay Kuya Rey. Siya na nga itong tanging pag-asa ko para umangat sa buhay, eh. Simpleng tao lang kasi ako na gustong makatulong sa magulang ko. Hindi naman kami yung ganun kahirap sa buhay. Ang father ko, nasa buy-and-sell business. Ang mother ko, sa bahay lang. Pito kaming magkakapatid, ako yung pinakabunso. Dalawa na lang kaming natitira na hindi pa nag-aasawa. Yung isa, midwife siya. Ako lang ang singer sa pamilya.

"Actually, may malaki kaming palayan sa Cabanatuan. Dahil gusto ng mga magulang ko na mapagtapos kaming mga anak nila ng pag-aaral, naipagbili yung ibang mga lupain. Gusto kong maibalik iyon. Ang nangyari kasi, yung mga kapatid kong nagsipag-asawa na, hindi na nila naasikaso yung pagbabalik ng nawala naming lupain, maraming ektarya ng lupa iyon, kalat-kalat. Gusto kong maibalik ulit yung mga nawalang lupaing iyon."

Damang-dama ang kaseryosohan sa tinig ni Noilan ng Sabadong iyon sa DWSS radio station. Iba-iba ang motibo ng mga pumapasok sa showbis. Ang kay Noilan ay may haplos ng sakripisyo at pagpupunyagi.

IAN

LANG

NOILAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with