Dito ako sa wholesome
March 17, 2001 | 12:00am
Nagsimula ang publication ng Pilipino Star Ngayon a month after the Edsa People Power Revolution against President Marcos, at involved na kaagad ang father ko sa tabloid na ito bilang entertainment editor. Ang kuwento niya sa akin ay sabit lang daw siya sa isang meeting nina Mrs. Florangel del Rosario-Braid at ni Mrs. Betty Go Belmonte at napag-usapan doon ang publikasyon ng isang babasahing Tagalog. Ang title na Star ay parang exclusive na sa isang kapatid ni Mrs. Belmonte kaya nag-suggest ang daddy ko ng pangalang Pilipino Ngayon para sa bagong newspaper at naging okey naman iyon kay Mrs. Belmonte. Naging managing editor nga ay si Mr. Jose Buhain.
Grade One pa lang yata ako noon at sabi ng daddy ko ay kailangan niya ang permanenteng trabaho at kahit nga siya kumikita pa rin sa pagsusulat ng movie and television scripts, mabuti na raw iyong may permanente siyang hanapbuhay para masiguro ang gastos sa pagpapaaral sa aming magkakapatid. Lagi niya akong karay-karay sa opisina dahil walang mapag-iwanan sa akin sa bahay.
Nauutusan din akong magdala ng mga artikulo sa typesetter at dinadala ko rin ang mga na-typeset na mga material sa mga lay-out artists. Siksikan pa noon ang opisina ng Pilipino Ngayon. Nag-umpisa namang ilabas pagkatapos ang Philippine Star at nag-publish din ng Star Ngayon na parang entertainment magazine. Nalilibot ko ang lahat ng sulok ng Pilipino Ngayon offices at madalas akong maglaro sa itaas ng building na okupado ng isang shipping company yata. Pero ang tanda ko ay parang bodega ang mga opisina ng Pilipino Ngayon at Philippine Star noon.
Ang kasalukuyang entertainment editor ng PSN na si Mrs. Veronica Samio joined the paper a few months later. Ang mga taong lagi kong nakikita sa opisina noon ay ang sports editor dati na si Ric dela Cruz at ang kanyang anak na sports reporter na si Dina Villena. Natatandaan ko rin ang unang pagtakbo for public office ni Congressman Sonny Belmonte at maraming mga artista noon ang tumulong sa pangangampanya para sa kanya tulad nina Richard Gomez, Jovit Moya at marami pang iba na hindi ko na maalala.
Very memorable nga ang mga panahong iyon sa akin. Lahat yata ng mga entertainment events na puntahan ng daddy ko ay kasa-kasama ako–mga beauty pageants, ice shows, concerts nina Martin Nievera, Pops Fernandez at Gary Valenciano, mga press conference para sa mga foreign celebrities tulad ng Menudo kung saan miyembro ang bata pa noong si Ricky Martin at nagpakuha pa nga ako ng litrato kasama siya kaya lang ay hiningi ng isang kaklase ko sa high school. At natural lang na makasalamuha ko ang mga hinahangaan kong mga artista. Ang dami-daming artistang dumadalaw sa opisina ng Pilipino Star noon lalo nung anibersaryo o may birthday ang writer or columnist ng diyaryo.
Ang bestfriend ko noong kabataan ko sa Pilipino Ngayon ay si Melissa Samio na anak ng kasalukuyang entertainment editor dahil madalas din siyang kasa-kasama noon kaya halos araw-araw ay magkalaro kami. Nang magkaroon ng pakontes ang Pilipino Ngayon at Star Ngayon napiling King and Queen of Philippine Movies at Philippine Television sina Fernando Poe, Jr. at Vilma Santos, German Moreno at Nora Aunor. Kami ni Melissa ang taga-abot ng trophies at plaques. Ang coronation ay ginanap sa Araneta Coliseum at na-televised din ito. Punumpuno ng mga tao ang nasabing event. Medyo kontrobersyal dahil hindi dumating si Nora Aunor bilang Queen of Philippine Television, binoykot daw umano nito ang nasabing event dahil hindi siya nasiyahan sa pagiging queen of TV lamang. Ang mga trophies at awards sa gabing iyon ay donated by no less than President Cory Aquino at part din noon si Kris Aquino na hindi pa artista. Nagbabalak pa lamang.
Ang unang editor ng Pilipino Ngayon ay si Mr. Jose Buhain, sumunod sina Mr. Pat Sigue, Tony Sicat, si Ms. Edna Constancia at ngayon nga ay si Mr. Al Pedroche. Si Ms. Constancia ay dating sekretarya ng daddy ko sa Screenwriters Guild of the Philippines at ngayon ay sa Amerika na nagtatrabaho. Si Mr. Buhain naman ay nasa Department of Agriculture, the last I heard. Nagretiro ang father ko sa Pilipino Ngayon noong 1995 at natigil na rin ang aking pagpunta sa opisinang ito.
Pero noong 1998 ay sinubukan kong sumulat para sa PSN. Sabi nga ni Mrs. Samio magpadala ako ng artikulo at kung pupuwede ay ilalabas niya. Nakapasa naman ako sa PSN standards kaya siguro hanggang ngayon ay may kolumn pa ako. Hindi ko naman masyadong binibigyan ng importansya, malaking bagay ang mapabilang sa mga writers ng Pilipino Ngayon. Nagkaroon din naman ng pagkakataon na puwede akong magsulat sa ibang tabloid pero dito na lang ako sa isang wholesome na babasahin. Karaniwan kasi sa mga tabloid ay napaka-sex oriented.
marami akong nagiging kaibigan dahil sapagsusulat ko dito sa PSN. May mga OCWs mula sa iba’t-ibang lugar tulad ng Saudi Arabia, Japan at maging sa Europa. Hindi lang naman ang entertainment news ang kanilang napapansin kundi ang buong diyaryo na isa sa mga pinaka-popular na babasahin ng mga Pilipino sa buong mundo.
AFter 15 years siyempre, ibang-iba na ang opisina ng PSN, kung noong araw ay masikip na magulo, ngayon moderno na ang lahat mula sa mga upuan hanggang sa mga office equipments. Wala na iyong mga malalaking typewriters na karamihan ay sira at napalitan na ng mga mamahaling klase ng computers, madalang na rin ang manual na pagla-layout ng mga pahina dahil ginagamitan na ito ng computer. Malaki na ang opisina at malinis ito.
Pero pareho pa rin ang PSN sa panahon ni Mrs. Betty Go Belmonte at ngayon sa panahon ng kanyang anak na si Mr. Miguel Bemonte. Napanatili ang pagiging wholesome at siksik sa balita ang diyaryo. Hindi pa rin ito malaswa tulad ng iba. Makatotohanan, reliable at makabuluhan ang mga balita. I wish to congratulate Pilipino Star Ngayon on its 15th anniversary and I am happy and proud to be a part of it then and now.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended