^

PSN Showbiz

Pulitiko, mas napapansin sa movie page!

-
Parang kailan lang nang pumasok ako rito sa Pilipino Star Ngayon. Hindi ko namalayan, magta-tatlong taon na pala ako rito. Kasabay nang pagiging assistant entertainment editor ko sa PSN ang kasal ng movie editorial assistant na si Lanie Sapitanan – June 18, kaya hindi ko puwedeng makalimutan.

Sa loob ng nasabing panahon, hindi ko nararamdaman na matagal-tagal na rin pala ako rito. Marami na akong natutunan at naranasan sa aking trabaho.

Dati na akong staff writer sa isang tabloid na nagsara dahil sa labor strike bago ako napasok dito. Nagpi-presscon na ako no’n, nagko-cover ng mga awards nights, beauty pageants, concerts, etc. In fact, nakapag-cover pa ako noon ng Miss Universe pageant – noong 1994 sa PICC ginanap. Exciting ang naging coverage ng Miss Universe lalo na do’n sa actual pageant dahil nasa front seat ako.

Pagkatapos magsara no’n, siyempre kailangan kong magtrabaho. Dahil nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan sa showbiz, hindi ako nahirapang maghanap ng trabaho. Nagkataon na election ng panahong ’yun kaya nai-recommend ako ni Ms. Ethel Ramos kay Ms. June Rufino para tumulong sa kandidatura ni Edu Manzano na noon ay tumatakbong vice mayor ng Makati. Nanalo si Edu pero siyempre kailangan ko pa rin ang regular job.

Dahil pa rin sa mga kaibigan na may malasakit sa akin, ni-refer nila ako kay Tita Veronica Samio na nagkataon namang walang assistant noon. Kaya naman nang makita ko sa isang presscon si Tita Vero, nagsabi agad ako. Pinapunta niya ako rito sa opisina, nagdala ng resumé at kinausap ni Mr. Miguel Belmonte. Doon nag-start ang lahat.

Trabaho ng assistant editor ang tumulong sa pagsasara ng pahina. At the same time nagko-column ako – thrice a week – Tuesdays, Thursdays and Saturdays.

Totoong exciting at colorful ang buhay sa showbiz. Tulad nga ng sinasabi ni Tita Vero, marami kang makikilalang artista. Yung iba, magiging kaibigan mo pa. ’Yung iba naman, nakikipag-plastikan lang. At ’yung mga artistang pinag-aawayan namin ng kapatid ko noon, kilala ko na at malimit kong makausap ngayon.

Sa mga movie presscons, press visits, showbiz functions kalimitan kami nakakakuha ng story. O kung meron kang mga sources na magbibigay sa ’yo ng column feeds, mas okey. Kasi may ibinibigay silang mga scoop.

Bukod sa mga artista marami ka ring makikilalang pulitiko dahil naniniwala silang mas maraming nagbabasa ng entertainment pages. Mas type nilang ma-associate sa mga artista para mapansin sila. Actually, totoo ’yun. Karamihan kasi ng nagbabasa ng newspaper particular na ng tabloid, movie section ang unang binabasa lalo na nga sa probinsiya at maging sa Hongkong at Saudi Arabia.

Masaya ang ganitong trabaho bagama’t may ilang hindi recognized ang ganitong propesyon. ’Yung iba kasi, hindi nila alam na graduate rin kami ng journalism course. May intriga rin. Pero ang importante, marunong kang makisama para magtagal ka sa ganitong trabaho.

Reward sa pagiging entertainment columnist ’yung naririnig mong binabasa sa ilang radio stations ’yung story mo na may credit. May mga pagkakataon din naman na naririnig kong binabasa sa FM stations ’yung story ko. Pero sad to say, walang credit. Anyway, okey lang. Basta alam kong column item ko ’yun.

Of course, mas okey din ’yung napapanood ka sa TV dahil excited ang mother kong nasa probinsiya na makita ako sa TV.

Pero kung maraming nakakapansin, meron din namang nagagalit. Marami na akong natanggap na hate e-mails. Minsan ay galit na galit ’yung isang reader sa akin. Nag-e-mail pero hindi naman nagpakilala. Meron din namang nagi-e-mail na mga nasa barko. Bihira lang daw silang makakuha ng kopya ng PSN pero pag nakakuha naman sila, lahat ng nakapaloob dito ay ilang beses nilang binabasa.

Anyway, wala pa man ako sa PSN noon, parang nararamdaman ko na magtatrabaho ako rito. Malapit lang kasi ang dati kong opisina rito. Totoo pala. Ngayon, bahagi na ako ng isa sa mga tabloid na may pinakamalaking circulation na nagse-celebrate ng 15th anniversary ngayon.
*****
Hindi totoong hindi na ma-reach ang talent fee ni Rica Peralejo, ang hottest sexy actress to date. In fact, nang imbitahin namin siya para mag-draw ng grand prize para sa PSN Trivia last week, hindi nag-second thought ang mother niyang si Mommy Alice. Hindi sila nagtanong kung magkano ang talent fee o kung may honorarium ba. Okey agad sa kanila at nagkataon namang wala siyang prior commitment.

Isa kasi sa mga iniintriga kay Rica ngayon ay ang umano’y biglaang pagtaas ng talent fee niya after Balahibong Puso. "Actually, hindi totoo ’yun. As much as possible gusto kong maging humble sa lahat ng ginagawa ko ngayon. Saka wala pa naman kaming nai-encounter na nagtaas kami ng talent fee sa isang show. Siguro lang hindi talaga ako puwede that time," she explains.

Aside from Rica, dumating din para mag-draw si Janna Victoria.

Nang unang taon ko rito, dumating sina Aga Muhlach, Jolina Magdangal at Ara Mina para mag-draw. Nagkagulo rito sa opisina namin dahil sa kanila. Natatandaan ko pa, kagagaling lang ng sore eyes ni Aga no’n pero pinilit niyang makarating.

Last year, sina Sunshine Cruz at Klaudia Koronel ang nag-draw ng grand prize. Hindi pa no’n nag-aasawa si Sunshine kaya pinapantasya pa siya ng mga men dito sa opisina namin.

Next year kaya sino ang magdo-draw ng PSN Trivia na sasaya ang mga ka-opisina namin?

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKO

ARA MINA

MISS UNIVERSE

PERO

RITO

TITA VERO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with