^

PSN Showbiz

Kris, iiwan ang 'D Buzz' dahil sa 'Balitang Kris'?

-
Nagkaroon ng formal launching ang bagong show ni Kris Aquino, ang Balitang Kris na napapanood araw-araw, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN 2, 5:30 ng hapon nung Miyerkules ng tanghali sa Annabel’s sa Quezon City. Ayon sa magaling na showbiz talk show host, ang bagong palabas ay katuparan ng kanyang pangarap. Bilang anak ng dalawang sikat na magulang, lumaki at nabuhay sa public eye si Kris, madalas ay subject ng mga news and entertainment articles. Ngayon, siya naman ang maghahanap ng balita, spicing it up with entertainment.

Ayon kay Kris, wala siyang hindi gagawin para sa ikagaganda ng kanyang bagong show, maliban na lang yata yung kakailanganin niyang lumangoy. "Ayaw ko namang malunod dahil sa show no," ang sabi niya during the presscon na kung saan ay muli niyang ipinamalas ang kanyang kagalingan sa paghandle ng mga tanong ng press na madalas lumalabas ang kanyang katarayan lalo na kapag ang nababanggit ay ang kanyang naging relasyon kay Phillip Salvador. Gaya nung may magtanong sa kanya kung sinusuportahan ni Ipe ang kanilang anak na si Joshua. Sinabi niyang hindi siya kundi si Ipe ang dapat sumagot nito na aniya ay isang senyales nang pagiging mature niya pero, after answering one other question ay binalikan niyang muli ang nagtatanong by answering his original question. "Nagbibigay naman siya. Yung tuition ni Josh siya ang nagbayad. And last night, nang umuwi si Josh galing sa kanya ay marami itong dalang toys, so I guess, may pera siya."

Sinabi ni Kris na malaya nang nahihiram ni Ipe ang kanilang anak. Katunayan, pinayagan na niya na makuha ni Ipe si Josh ng one week every month.

Is she willing to interview Phillip sa Balitang Kris?

"Kung payag siya bakit hindi, magkaibigan na naman kami. May feature ako sa show ng mga political candidates and even my brother Noynoy Aquino ay napapayag ng Mommy (Cory Aquino) na mag-guest sa show. Pero, ako ang hindi makatingin sa kanya, siguro dahil hindi pa ako comfortable sa kanya. During the show nang pagkaguluhan ako ng mga bata sa isang iskwela na pinuntahan namin ay naging taga-hawi siya ng crowd. I felt protected. Also I invited JV Ejercito kaya lang may dahilan kaya hindi siya pwede pero, nangako siya na kapag nanalo siya ay isa siya sa unang magbibigay sa akin ng interview."

Isa pa rin sa ayaw na ayaw ni Kris sa kanyang show ay ang mga hayop. Takot daw siya sa mga ito lalo na sa agila at ahas.

Magiging hard hitting ba siya tulad ni Korina?

"Hindi ako ito. Kaya ko namang gumawa ng mga bagay sa aking sariling pamamaraan. Magko-concentrate na lamang ako sa pagi-interact with the people.

Napag-usapan din ang posibilidad na baka iwan niya ang The Buzz para sa Balitang Kris. Hindi raw kasi kapani-paniwala ang isang seryosong news reporter na nang-iintriga sa isang show na katulad ng The Buzz. "Hindi pa ito alam ni Boy (Abunda) at baka hindi siya pumayag pero, siguro maiintindihan niya ang katayuan ko," dagdag pa ni Kris.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, sinabi niya na hindi na niya iniisip na loveless siya. Nung una siguro pero natutunan na niyang harapin ang bawat araw ng may pag-asa. "I am complete now on my own," pagmamalaki niya.
*****
Matapos ang maraming taon nang paghihintay, lalabas ang isang album ni Noel Cabangon na nagtatampok ng 14 na komposisyon. May pamagat itong "Pasakalye." Isa itong selebrasyon ng pakikipagniig ni Noel sa mga tao in the course of his life hindi lamang bilang musikero kundi bilang isang tao.

Ilulunsad ang "Pasakalye" sa isang concert ni Noel na gaganapin sa Music Museum sa Marso 23 na pinamagatang "Musikalye."
*****
Final screening na ng Boracay Body Search 2001 sa Marso 20. Kung interesado kayo at taglay n’yo ang mga requirements na kinakailangan, 18-25 yrs. old, may taas na 5’4" (females) at 5’6" (males), 18 to 30 yrs.old, mayroong good and healthy physiques, magparehistro na kayo. Deadline sa Marso 20. Magdala ng close-up at full body photos.

BALITANG KRIS

IPE

KRIS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with