Ogie, Paco may mall tour
March 15, 2001 | 12:00am
Ang mga mamamasyal sa SM malls sa darating na weekend ay lubhang napakapalad sapagkat bukod sa suweldo ay may mapapanood pa silang mga shows na katatampukan ng dalawang sikat na mang-aawit na sina Ogie Alcasid at Paco Arespacochaga. Kaugnay ito sa mga SM mall tour na kanilang ni-line-up para i-promote ang mga kani-kanilang CD at cassette albums.
Ang SM mall tour ng dalawa ay magsisimula sa Biyernes, Marso 16 sa Sabado, Marso 17 sa ganap na ika-4 n.h. Ang iba pa nilang dadalawing mga malls ay binubuo ng mga sumusunod: SM Pampanga sa Marso 25, SM Cebu City sa Marso 31, SM Megamall sa Abril 1 at SM North EDSA sa Abril 8. Lahat ng mga palabas ay magsisimula ng alas-4 ng hapon.
Aawitin ni Ogie ang mga selected cuts mula sa kanyang album na malapit nang mag-gold na pinamagatang "Movie Moments." Taglay ng album ang kanyang pinakabagong hit, "Kailangan Ko’y Ikaw" na nagwagi ng best theme song sa nakaraang Star Awards for Movies. Sa kabilang dako naman, di pahuhuli si Paco sa kanyang repertoire na naglalaman ng mga bagong OPM at mga ni-review na selections ng Introvoys sa kanyang solo debut album na "Rebirth." Matapos ang bawat pagtatanghal ay magsa-sign ng autograph ang dalawa para sa mga bumili ng kanilang mga CD at cassette albums.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended