^

PSN Showbiz

Negosyo ni Rico Yan, lumalago!

-
Wala pang isang taon ang Orbitz Pearl Shake ni Rico Yan pero humahataw na ito sa franchising dahil as of today ay meron na itong 148 branches, all over the country.

Once again ay pinatunayan ni Rico kung gaano siya kagaling sa pagpapatakbo ng negosyo at kung gaano rin siya ka-effective bilang endorser.

Ang maganda pa nito, kahit busy si Rico sa kanyang commitments sa showbiz, eh, personal din niyang inaasikaso ang mga franchises sa mga probinsiya.

In fact, present si Rico nang mag-open ng franchise ang Orbitz Pearl Shake sa Davao.

"Quality food and services lang naman ang sikreto sa isang negosyo dahil kapag nagustuhan ng mga customers ang product mo eh, sila na rin ang hahabol dito.

"At kapag maganda ang takbo ng isang negosyo, eh, siguradong maraming businessmen din ang maa-attract na mag-franchise nito at ’yan ang open secret ng business namin," ang negosyanteng – negosyante na sabi ni Rico Yan.

As of now, eh, marami na ang naga-apply for franchising para sa Orbitz Pearl Shake pero sinisiguro rin ng mother company na accessible ang mga lugar na pagtatayuan ng Orbitz booth.

"Para sa mga interesadong mag-franchise, you can call us at 7278919-25," sabi pa ni Corics.

But of course, ang pagnenegosyo niya ay in preparation din for his future and his future wife kaya kung sakali, eh, masuwerte silang dalawa ni Claudine Barretto, ’di ba?

CLAUDINE BARRETTO

CORICS

DAVAO

ORBITZ

ORBITZ PEARL SHAKE

RICO

RICO YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with