Tara, itatapat ng Viva kay Rica !
March 9, 2001 | 12:00am
"Si Tara Viros ang isusunod na ilo-launch na bold actress ng Viva Films pagkatapos ni Rica Peralejo," masayang pagbabalita ni Jojo Veloso. Kasama siya mismo ni Tara sa Viva office kung saan pumirma ang alaga niya ng 6-picture contract for two years. Pero pinuna ko ang figure ngayon ni Tara. Tumataba siya ngayon. Reaksyon naman ni Jojo: "Kaya nga hindi ko siya pinapakain eh, para lalo siyang sumeksi."
Para kay Tara mabuti na nga yung may masasabi siyang mother studio niya. "Masaya ako syempre dahil contract star ako ng isang prestigious company. Kasi, karamihan ng mga pelikulang nilabasan ko, independent companies ang gumawa. Introducing ako sa Naghuhumiyaw: Masahol Pa sa Hayop. Independent din yung iba pang movie na ginawa ko, puwera lang yung sa Regal, Anak sa Labas, at Apoy sa Karagatan."
At ano ang masasabi niyang ibabaling na sa kanya ang focus ng Viva sa bold films? Kaya ba niyang pantayan ang pagpapa-sexy ni Joyce Jimenez at Rica? "Kung kailangan ay bakit hindi? Magagawa ko rin ang ginagawa nila sa pelikula, lalo kong pagbubutihin. Eh, syempre, andun na siya, Joyce Jimenez na siya, kaya parang unfair na ikumpara agad ako sa kanya. Kilala na siya. Ako, kikilalanin pa lang."
Ayon kay Jojo, kahit si Tara na ang isusunod na i-launch ng Viva, ibang klaseng diskarte ang gagawin nila para sa kanyang alaga. "Magugulat na lang tayo sa gagawin nilang gimik para kay Tara. Basta ang alam ko, may plano silang maganda para sa kanya. Eh, di ba, ibang gimik o packaging na nga ang ginawa ko sa kanya? Pag iniinterbyu siya, wala siyang sinasabi tungkol sa personal life niya. Ang puwede lang niyang sabihin, 18 lang siya at virgin pa. The rest, makakapagsalita lang siya tungkol sa mga projects o pelikula niya. Siya yung mysterious bold actress in Philippine cinema. Okey, di ba?"
Sabi naman ni Tara, "Kung ano ang makakabuti sa career ko, susundin ko. Ganun ang sabi ni Tito Jojo, obey lang ako. Kasi, nakikita ko naman, simula nang na-introduce ako, sunud-sunod ang projects ko, pinaka-latest yung leading lady ako ni Ace Espinosa sa Parola, Bilanggong Walang Rehas. May love scenes ako rito, gaya dun sa kapareha ko si Jestoni Alarcon sa Apoy sa Karagatan. Yon yung first time kong makipaghalikan on camera kaya talagang ninerbiyos ako."
Gaano kahanda si Tara kung intrigahin siya ng press dahil itatapat siya kay Rica or Joyce? "Nang pasukin ko ang showbis, handa na ako sa mga intrigang kahaharapin ko. Dito nga mismo sa Philmoda office, naiintriga ako mula nang dumating si Ava Avila. Pinagkukumpara ba naman kaming dalawa, kung sino sa amin ang mas sexy, mas maganda, mas bata? Eh kitang-kita naman kung sino sa amin ang mas may K, di ba? Pero, sana, tigilan na yan dahil iisa lang ang manager naming dalawa, ’no?"
Pumirma rin ng 6-picture contract sa Viva Films ang bagong discovery ni Jojo Veloso, si Yani Rose. "Dati Yani Ross ang ipinangalan ko sa kanya, to associate her with Diana Ross, pero parang walang dating, kaya ginawa ko nang Yani Rose, parang kay Donita Rose," sabi ni Jojo noong Sabado.
"Okey lang po sa akin ang screen name na Yani Rose," sabi naman ng magandang dalagita. Kasi, ang haba talaga ng real name ko Deialeene-Dier Garcia Rivera. Tungkol naman sa contract ko sa Viva for two years, sana maumpisahan na agad yung gagawin kong pelikulang wholesome. Kasi, pumayag lang ang mommy ko na mag-artista ako kung wholesome ang image ko. Kahit ano, ’wag lang bold. Kung swimsuit, okey sa akin."
Sa St. Mary’s College sa Pasay City nag-elementary at high school education si Yani. "Hindi na ako nag-college dahil nagko-concentrate nga ako sa acting career. Nasa acting workshop ako ngayon."
Anim na taon pa lang, pangarap na ni Yani na mag-artista. "Kaya lang, hindi ako pinayagan ng mommy ko. Mas gusto niyang tapusin ko muna ang pag-aaral ko. Eh nung araw pa, hilig ko nang umarte at sumayaw. Gaya ng paborito kong aktres, si Maricel Soriano." Kasi, lahat kaya niya, mapa-drama, mapa-comedy. Saka talagang magaling siyang umarte.
Sixteen si Yani nang unang magkaroon ng boyfriend. "Umabot din kami ng one year na mag-on. Hiniwalayan ko siya. Hindi ko gusto yung ways niya sa relationship namin. Kahit nagka-boyfriend ako ng isang taon, I can still claim I am a virgin."
Hawig kina Melissa Gibbs at Jennifer Sevilla si Yani, ayon na rin sa PRO niyang si Arnold Bigornia at umaayon kami. Talagang malakas ang kanyang karisma dahil bigla nga siyang natipuhan ng isang pulitiko na taga-Biliran province. Pero sabi ni Yani, "Napakabata ko pa para maging seryoso sa lovelife. Okey lang na magkaroon ng suitors pero showbis pa rin ang pipiliin ko."
Horror at suspense films ang tipo ng pelikulang gustong labasan ni Yani. At sino naman ang gusto niyang maging kapareha, kung sakali? "Actually, wala akong particular favorite na artistang lalaki. Kahit sino sa Viva, okey lang. Tutal magagaling naman silang lahat eh."
Bunso sa anim na magkakapatid si Yani. Ang sinundan na kapatid na babae ni Yani ay ang singer na si Vera Ellen. Pero tumigil na ito sa kanyang singing career nang mag-asawa na ito. "Siguro, ako naman sa aming magkakapatid ang magpapatuloy sa showbis."
Para kay Yani, hindi dapat maging sagabal ang anumang bagay gaya ng lovelife sa pagtahak niya sa bago niyang career. "Isang value na ipinamana sa akin ng magulang ko yung pagiging malakas ang loob na harapin ang buhay. Kung may ambisyon ka, maging matapang kang harapin ito. I am only 18, and if ever marriage enters my mind, siguro, pagdating ko ng 25, saka ko na lang iisipin yon."
Pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ni Yani ang pagkamatay ng mommy niya mga walong taon na ang nakakaraan. Ayon sa kanya, labis niya itong dinamdam. Ilang taon pagkatapos, nakisama sa ibang babae ang tatay niya. "Halos may asawa nang lahat ang mga kapatid ko, nakikitira na lang ako sa isa sa kanila. Hindi kami close sa stepmother namin dahil hiwalay naman yung tinitirhan nilang bahay."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended