Walang dialogue, walang damit sa buong movie
March 8, 2001 | 12:00am
Kahit sinabi ni Klaudia Koronel na ayaw na niyang mag-bold, baka matagalan pa bago ito magkaroon ng katuparan. Sa ngayon, sunud-sunod ang bold movies niya.
Hindi pa naipapalabas ang Live Show at eto pa ang Babaeng Putik na ayon sa direktor na si Rico Ilarde ay isang sex horror movie na punong-puno ng nudity.
Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sa movie, may website ito na mabibisita nyo -www.babaengputik. com. Tampok dito sina Carlos Morales, Klaudia at maraming color pictures.
Walang dialogue si Klaudia sa Babaeng Putik, wala siyang speaking lines at walang wardrobe. Nagmula siya sa isang itlog na matakaw sa human flesh at sa sex. May eksena sina Carlos at Klaudia sa movie na nagmi-make love sa isang bathtub na nasa gubat sa ilalim ng ulanan. Kinunan ito sa isang gubat sa Zambales na kung saan ay kinunan ang malaking bahagi ng pelikula.
Ang Babaeng Putik ay naimbita sa Udine Film Festival sa Italya.
Bagaman at maituturing na baguhan pa lamang ang direktor na si Rico Ilarde, layunin niya na makagawa ng isang de kalidad na pelikula sa mababang budget. Siya lamang ang nag-iisang direktor na idino-drawing ang mga eksena niya na parang comics, para nga naman pagdating niya sa set ay alam na niya ang shot niya.
Maganda na silang pakinggan, maganda pa silang tingnan. Ito ang Teenhearts, ang pinaka-bagong girl band na binubuo ng apat na kabataang babae na pawang 16 na taong gulang.
Hindi magkakakilala sina Aisha, Jaybee, Donna at Marielle pero, madalas ay sila ang naglalaban-laban tuwing may paligsahan ang Voice of the Philippines kung kaya nung magkita-kita sila sa audition na ibinibigay ng pamosong si Larry Hermoso para sa apat na kabataang babae na kinakailangan para sa isang grupo na gusto niyang buuin, hindi naging mahirap ang magsimula ng friendship. At nang mapili silang apat out of the 150 applicants, para na silang dating magkakaibigan.
Ang bumuo ng Teenhearts ay ang bumuo rin ng mga sikat na grupong Jeremiah, Formula at ang nabuwag nang Tangerine, si Larry Hermoso. Masasabi na ang grupong ito ay female version ng dalawang boy band at maging ng Tangerine. Ang kaibahan lamang ng Teenhearts ay mas commercially viable sila sa mainstream ng Pinoy market, mas madali silang ibenta. Sabi ko nga, magaganda na sila, magagaling pa sila.
Humanga ang mga dumalong press sa launching ng kanilang debut album na ginanap sa Shuffles sa Morato. Kahit walang audio system nagawa nilang maiparinig ang kanilang talino at kakayahan sa pagkanta. Maganda ang kanilang blending, parang mga babaeng Jeremiah.
Sa isang pakikipag-usap makatapos ang kanilang performance sinabi ng apat na sabay-sabay silang ga-graduate sa high school sa taong ito. Ilan sa kanila ang nagbabalak lumipat ng iskwela dahil bawal ang artista sa kanilang school. One will take up communication arts, isa business management, isa accounting at ang ikaapat ay forensic science. Isang taon na silang nagti-train at pumirma ang mga magulang nila ng 3-year contract kay Larry Hermoso. Magaling din silang sumayaw gaya nang pinatunayan nila when they did "Rhythm of the Night".
Dalawang single mula sa kanilang debut album ang kasalukuyang binibigyan ng magandang airplay sa radio. Ito ang "Di Ko Kaya" at "Pagkat Ikaw Lang."
Nakapagsimula na ng kanilang promosyon ng kanilang album ang apat. Mapapanood pa sila sa SM Bacoor (Marso 17) at SM Pampanga (Marso 18). Panoorin nyo sila para makita kung bakit nakatakdang sumikat ang apat na kabataang babae na makikilala sa pangalang Teenhearts.
Kumporme ba kayo sa mga nabubuong political hierarchy? Porke may isang pulitiko sa pamilya, parang may karapatan na ang iba pang mga kamag-anak na mag-seek din ng public office. Parang ginagawang lisensya ito para mag-appoint ng kamag-anak na sundan sila o gayahin kaya.
Iba ang kaso ni dating Pangulong Cory. Naging pangulo siya bilang simpatiya sa kinahantungan ng kanyang namatay na asawa who would have been president of the country too kung hindi napatay. Marami kasing mga asawa ang kumakandidato dahil nasa posisyon na ang mga asawa nila. Tama ba naman ito? Siguro nga kung may kakayahan na maglingkod at hindi dahilan sa popular lamang, pero kung hindi, ano ang karapatan nila?
Marami rin ang kandidato dahil mga anak ng pulitiko, kapatid ng pulitiko o dating mga pulitiko. Para tuloy ang pakiramdam ko, ayaw na nilang umalis sa pwesto. Bakit? Dahil maraming pera dito, nagbibigay ng malaking kapangyarihan sa mga nananalo? Tila kakaunti ang naririto dahil may tunay na layuning makapag-silbi. I am more inclined not to believe political candidate na nagsasabing gusto nilang maglingkod sapagkat pwedeng magsilbi kahit wala sa posisyon, kahit wala sa pulitika.
Taga Quezon City ako at nalulungkot ako sa kinasapitan ng aking siyudad. Tambak ng basura, dun mismo sa kanto ng Edsa at Aurora Blvd., nagbubundok ang basura. Bakit hindi ito nagawan ng paraan ni Mayor Mathay o ng mga ibang opisyal ng QC government? Dun sa Cubao mismo pag dumadaan ako sa madaling araw, hindi magandang amoy ang sumasalubong sa akin. Sa’n ito nanggagaling? Naisulat ko na ito minsan pero, walang pumansin.
Dun sa harap ng Act Theater, napakaraming snatchers, bakit hindi sila nahuhuli? Sa kanto ng Edsa, Kamias at Kamuning, ang daming pulubi. Sa ilalim ng mga flyovers, ang dami nang nakatira.
Maraming panulukan ang walang stop lights. Maraming ginagawang kalsada. Bakit ngayon lang? Ba’t ginagawa sa araw which cause traffic, ba’t hindi sa gabi?
Tapos ngayon ang daming tumatakbo. Siguro kailangang matuto na tayo. Kawawa tayo, ang ating bansa. Paano na ang ating mga anak kung magpapatuloy ang ganitong maling pamamalakad?.
Ngayon, more than ever we can show the candidates na marunong na tayo. Yung mga may masama tayong karanasan, wag na nating iboto. Hindi na baleng magkamali sa mga bago, huwag lamang sa mga lumang kandidato na binigo na tayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended