He writes poems and sings in the bathroom
March 7, 2001 | 12:00am
That’s Bernard Palanca, the newest romantic leading man in local movies na nagkapalad na mabigyan ng malaking role bilang bida sa pinakahuling pelikula ng Viva Films. Launching movie niya ito at maging ni Rica Peralejo rin bilang solo female lead. Dun sa Balahibong Pusa ay dalawa silang bida ni Joyce Jimenez.
Rica is being launched as the new millennium’s newest bold actress.
Dating kontrabida si Bernard, one of the bad boys who always made the lives of his bida hell. Dito sa Sa Huling Paghihintay, ginagampanan niya ang role ng isang artist na nagkaroon ng romansa sa isang kaiskwela na nagsimula sa isang lovemaking by the sea at nagtapos sa isang suspenseful waiting by the sunset.
"It’s a role close to my heart," ani Bernard who is an artist who writes poems in the bathroom where he also sings although he displays his vocal prowess on TV too.
Si Bernard ay nabibilang sa kinikilala at mayamang pamilya ng mga Palanca. Inamin niya na naging isa siyang rebeldeng anak nang mag-asawang muli ang kanyang nabalong ina na si Pilar Revilla na nabibilang naman sa mga pamoso at magagandang pamilya ng Revilla, Armando Goyena, Marites, Tina, Bianca, etc. Ang buong akala niya ay inagaw na ng kanyang stepfather ang kanyang ina sa kanila.
"Okey na kami ngayon. Malapit na ako sa aking stepfather ngayon na itinuturing akong higit pa sa kanyang tunay na anak," sabi niya sa kanyang tuwid na Ingles.
Ang kanyang naging karanasan ang dahilan kung kaya siya ay isang mahusay na aktor.
Sa istorya ng Sa Huling Paghihintay, nakilala ni Bernard si Rica sa isang party. Nalasing sila pareho at they end up making love by the sea. Nang puntahan niya si Rica sa kanilang bahay ay wala na ito. Pumunta na ng Maynila kasama ang mga magulang. Nagkita sila sa Maynila, nagkaroon ng affair at nabiyayaan ng anak. Sa probinsya nang umuwi para bumisita si Bernard ay nalaman niya na ikakasal na si Rica. Nagpasya silang magkita bago ang kasal pero hindi dumating si Rica.
Ang pelikula ay nasa direksyon ni Erik Matti na katulad ng maraming nakapanood ng trailer ay kilig na kilig sapagkat napaka-lakas ng chemistry nina Rica at Bernard. Tuloy marami ang umaasam na sana ay matuloy sa kabila ng kamera ang kanilang sinimulan sa pelikula. Ayaw ni Bernard mag-commit beyond saying na hintayin na lamang natin na matapos ang movie para malaman natin kung mayroon ngang totoong romansa na naganap. Abangan ang susunod na kabanata.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended