Alberto, pinaghubad ng libre
March 5, 2001 | 12:00am
Gustong sumikat noon ng baguhang si Alberto de Esteban kayat sinunod niya ang payo ng talent scout na nakatagpo niya. Pinaghubo siya nito sa pictorial. Pinatayo sa puno ng mga halaman sa isang garden. Ang pangako daw sa kanya, pasisikatin siya sa paghuhubad. Pag-aagawan ng ibat-ibang producer ng bold pictures. Akala naman ni Alberto, totoo lahat ang sinasabi sa kanya.
Huli na nang madiskubre ni Alberto na sa mga magazines ang nasabing pictorial at hindi para sa mga producer ng pelikula. Talong-talo siya. Sa pictorial sa magazine, wala siyang bayad kahit nakabandera ang katawan. Sa pelikula sana, may bayad siya kaso wala namang makontak na producer yung nangako daw sa kanya. Naging drawing at kuwentuhan lang ang nangyari. Pinaikot-ikot siya. Binola-bola.
Sabi ni Alberto ang yumaman at nagkapera ay yung mga nilabasan ng kanyang hubad na larawan. Thank you lang siya komot inaaakalang mapapansin ng mga producers. Mabuti na lang, sa katitiyagang maghanap, nakuha siya para lumabas sa Dyosa, Ikaw ang Susunod at Pilak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended