^

PSN Showbiz

Mikey, pabobonggahin ang career!

-
Sa pagkakaupo ng kanyang ina bilang Pangulo ng Pilipinas, nakikinita ang pagbongga ng showbiz career ng kanyang panganay na anak na si Mikey Arroyo kahit kasalukuyan pang ginagawa ni Mikey ang isang hard action sa Bariso Films na nasa direksyon ng kanyang mentor na si Willy Milan. Nagsimula na si Mikey sa kanyang pelikula sa MMG Films, katambal ang young superstar na si Judy Ann Santos.

Bagaman at maaga pa ay sinabi na ni Juday na fully-booked na siya hanggang sa katapusan ng taong ito, hindi rin natanggihan ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo ang alok ng bagong tatag na movie outfit na pinamamahalaan ni Estela Ledesma at pinamumunuan ng mag-asawang Engr. Erwin at Evelyn Mateo. Personal nilang sinadya ang manager ni Juday sa kanyang tahanan sa Pampanga at makalipas ng ilang araw ay nagsu-shooting na ito kapareha si Mikey ng kanilang pelikulang Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa sa direksyon ni Kaka Balagtas.

Balitang walang limit ang budget ng pelikula at may pasabi ang mga producer na ibigay ang lahat ng kinakailangan para mapaganda ang pelikula ng dalawa na mauuna pang mapanood sa ilang pelikula na ginawa ng nasabing outfit.
*****
Nagkabati na rin pala sina Korina Sanchez at ang asawa ni Kabayan Noli na si Arlene de Castro.

Matatandaan na nagkaroon ng maintrigang away ang dalawa na diumano ay umabot pa sa sampalan nung nakaraang taon. Nagkabati ang dalawa at nakitang nag-beso-beso nung pasinaya ng campaign headquarter ni Kabayan Noli sa QC. Ang affair na sinuportahan ng mga kasamahan ng tumatakbong senador at maging ng kanyang home network, ang ABS-CBN, ay dinaluhan din ni Korina bilang pagbibigay sa paanyaya ng pamilya ni Kabayan Noli lalo na ng kanyang maybahay na si Arlene.

Si Korina ang magti-take over sa TV Patrol sa pagkawala ni Noli.

Sa kasalukuyan ay abala ang broadcaster sa kanyang kampanya. Sa lahat niyang appearance, dinudumog siya ng tao who have been fans of his shows at siya rin for the past long years.
*****
Bukod kina Joyce Jimenez at ang Japanese martial arts master na si Genta Ogami, ang international movie na The Lords of Creation na kasalukuyang nagsu-shoot dito sa bansa ay gumagamit ng mga mahuhusay na production people sa pangunguna ng Filipino director na si Toto Natividad.

Nakapagtrabaho na si Toto sa ilang international productions, bilang first assistant editor ng Born On The Fourth Of July na nagtatampok kay Tom Cruise, ang Oscar Best Picture na Platoon, Delta Force ll, Missing In Action, Year of Living Dangerously, Purple Hearts. Huwag nang idagdag pa rito ang maraming local movie na dinirek niya.

Si Paige Thomas ay naging director of photography sa mga pelikulang Hurly Burly, Enchanted, Off Season, House of Pancakes. Ito rin ang trabaho niya sa The Lords of Creation.

Gaffer naman si Stephen Thompson na siya ring nangangasiwa ng lahat ng pangangailangang elektrikal at pag-iilaw ng pelikula.

Naging director of photography siya ng Young Indiana Jones, Dawsons Creek sa TV at marami pa.

Bahagi rin ng production crew sina Georges Bossaer bilang soundman at Michelle de Lorimier bilang focus puller.

ALFIE LORENZO

ARLENE

BARISO FILMS

BORN ON THE FOURTH OF JULY

DAWSONS CREEK

KABAYAN NOLI

KANYANG

LORDS OF CREATION

MIKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with