^

PSN Showbiz

Claudine, ayaw pang pakasal kay Rico !

-
Bagaman at marami na ang nagsasabi at humuhulang may kasalan na magaganap kina Claudine Barretto at Rico Yan in the very near future, sinabi ng aktres sa presscon ng kanyang pelikulang Ooops, Teka Muna...Diskarte Ko ’To na wala pang kasalang magaganap sa ngayon.

"Ayaw ko munang pag-usapan ang kasal. I see friends who are married and are not happy and I get discouraged. Huwag muna. Masaya na ako sa relationship namin. Hindi ito basta-basta pinapasok. Pinag-aaralan ito nang husto. Basta nagmamahalan kami at masaya kami, okey na kami sa ganito muna," pangunguna niya.

Papayag ba siyang magkaro’n ng anak out of wedlock?

"Huwag naman. Gusto ko madadala ng anak ko ang pangalan ng kanyang ama and I wouldn’t wish this to anybody."

Nang tanungin siya kung ano ang endearing qualities ni Rico, sinabi niyang "He loves everybody I love, ang buong pamilya ko lalo na."

Hindi ba siya niligawan ni Robin habang ginagawa nila ang Ooops...?

"Gentleman naman siya. Siya pa nga ang minsan ay nagsabi na tawagan ko si Rico at pagdalhin ko ng pagkain sa set. No, hindi ako naniniwala na magiging dahilan si Robin ng pagkawasak ng isang relasyon. Masyado siyang gentleman para gawin ito, ipinangako niya sa akin ito," dagdag pa niya.

Masaya si Claudine na matawag na "Queen of Daytime Television". "Nakakatuwa, masarap pakinggan. Mahal ko ang trabaho ko. Siguro naman hindi ako magtatagal dito kung hindi. Masyadong nakakapagod ang pag-aartista."

Balak din ba niya na maging isang entrepreneur na gaya ng kanyang boyfriend? "Naku hindi. Wala akong talent sa negosyo. Sasakit ang ulo ko. Okay na sa akin ang trabaho ko, ang pag-aartista ko," iwas niya.

Isang nobisyada si Claudine sa Ooops, Teka Muna... Diskarte Ko ’To. Nagkatagpo ang landas nila ni Robin nang kunin niya ang serbisyo nito bilang isang diskontentong ex-cop na iligtas ang kanyang kapatid na nabiktima ng isang white slavery ring. Kung paano nagkaroon ng love angle ang dalawa ang siyang buod ng pelikula na ang highlight ay magtatampok sa kissing scene nina Robin at Claudine! Tinatampukan din ang pelikula nina Tonton Gutierrez, Vhong Navarro, Raymond Bagatsing at Renzo Cruz.
*****
Pangungunahan ni Jolina Magdangal at Onemig Bondoc ang Millennium Concert sa Araneta Coliseum ngayong Sabado, Marso 3, 3:00 n.h. Makakasama rito sina Nikki Valdez, Tintin Gonzaga, Nerissa at ilang surprise guests na mga kasamahan ni Jolina.
*****
After 21 years in the music business, parang mas lalo pang naging isang magaling na singer ang ngayon ay ikalawang alkalde ng Biñan, Laguna na si Marco Sison. Parang ang mga taon ay lubhang naging mabait sa kanya sapagkat mas gumwapo pa siya.

Enjoy tuloy ang mga press na dumalo sa launching ng kanyang ika-16th album, his 2nd for Viva Records dahil maganda na ang kanyang boses ay napakaswabe pa niyang kumanta, effortless at hindi nakakaantok. Come to think of it, marami tayong mga sikat na singers na magaling mag-perform pero kakaunti sa kanila ang may magandang boses na tulad ni Marco and this was evident in his rendition of his timeless songs, "My Love Will See You Through" and "Make Believe", dalawang mga awitin na hindi kasali sa kanyang bagong album sa Viva pero hindi niya ipinagmaramot na awitin during the launch for "Maghihintay Na Lamang", ang carrier song at single ng album na si Marco ang nagsulat.

May mga original songs and revivals sa album ni Marco. Ang mga originals ay ang "Magmula Noon" which Marco collaborated with the album producer and also a good composer, Ben Escasa. Ang iba pa nitong komposisyon sa album ay ang "Ang Pagibig Ko", "Tayo Na" at ang "Paano Mapipigilan" ni Lisa Diy at Chat Zamora.

Ang mga revivals naman ay ang "Words Get In The Way" ni Gloria Estefan, Jaya’s "Wala Na Bang Pagibig", Ronnie Dyson’s "I Think I’ll Tell Her", Joey Albert’s "Iisa Pa Lamang", at marami pa.

CLAUDINE

DISKARTE KO

OOOPS

TEKA MUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with