Sharon, may attitude problem !
March 1, 2001 | 12:00am
No regret daw si Willie Revillame sa naging desisyon niya na iwan ang Magandang Tanghali Bayan.
Ito ang sinabi ng komedyante nang umattend siya sa opening ng national headquarters ni Noli De Castro sa may Edsa kamakailan. Base sa kuwento ng mga reporter na nakausap siya, okey lang siya ngayon dahil magiging abala naman daw siya sa pagtulong sa pangangampanya ni Noli de Castro. Marami raw kandidato ang kumukuha sa kanya para mangampanya kung saan babayaran siya ng malaking halaga. Pero mas pinili raw niyang si Kabayang Noli ang iindorso dahil during the time na nasa ABS-CBN siya ay naging mabait sa kanya si Noli as in kahit saan sulok ng ABS-CBN siya makita, binabati siya nito.
Bukod kay Willie, nauna na ring sinabi ni Robin Padilla sa presscon of Ooopps...Teka Lang with Claudine Barretto na si Noli de Castro rin ang tutulungan niya ngayong election dahil sa sinamahan siya noon sa Abubakar nang i-appoint siya noon bilang isa sa mga peace negotiator sa Abu Sayyaf.
Anyway, sa pag-alis ni Kabayang Noli sa TV Patrol, wala pa ring definite kung sino ang papalit sa kanya bilang anchor. Ang alam lang ng lahat ngayon, iri-reformat ang nasabing news program - ibabalik ito sa original format na maraming portion at apat ang host.
Sobra raw ang pagka-selosa ng asawa ni Bayani Agbayani. Lahat na lang daw, pinagseselosan ng asawa ng komedyante na sidekick ni Cesar Montano sa Hostage. Ayon sa ilang insider ng ABS-CBN, nanunugod daw si Lenlen at most of the time ay kasama ito sa taping at shooting. "Grabe ang pagka-selosa niya eh komedyante naman ang asawa niya hindi naman matinee idol," sabi ng isang observer.
Nag-guest kelan lang ang mag-asawa sa Kris Aquino show at it looks like selosa nga siya. Actually, wala namang masama kung selosa si Lenlen. Ang masama lang do’n baka ma-turn off ang mga fans kay Bayani kung nakikita ng maraming tao ang pagiging under niya.
At any rate, si Bayani ang nag-provide ng comic relief sa Hostage nina Cesar at Kristine Hermosa. The movie is set to kick off on March 14.
Speaking of Robin, walang chance na ma-link sila ni Claudine Barretto kay Robin kahit na nagsama sila sa Ooops...Teka Lang. Ang rason: pinayagan ni Robin si Rico Yan na dalawin si Claudine sa shooting nila.
Kilala kasi si Robin sa pagiging strict sa mga leading lady niya as in kung may boyfriend ka, bawal ang dalaw. Pero sa kaso ni Claudine, napakiusapan siya ni Rico. Maayos naman ang kanilang pag-uusap at okey kay Robin na dalawin si Claudine. "Actually, noon ‘yun, ngayon hindi na. Okey lang na dumalaw basta may dalang pagkain. Saka si Rico naman, once lang dumalaw sa set namin no’ng nasa Subic kami kasi nandoon na rin lang siya kaya dumalaw na. Basta ‘wag lang ‘yung may kissing scene kami," he says during the presscon of the said movie.
Sinabi na rin ni Claudine na may kapalit na ang Saan Ka Man Naroroon niya sa ABS-CBN na magtatapos this month. Pero hindi pa sila natatapos mag-taping ng ending. Wala pang title ang makakapalit. Basta ang alam niya lang ngayon, makakasama niya sina Carlos Agassi, Victor Neri, Bernard Palanca, Troy Montero and John Lloyd Cruz.
Anyway, Ooops, Teka Lang... Diskarte Ko ‘To, hindi bad girl si Claudine kumpara sa kanyang last movie, Anak with Vilma Santos. Isa siyang madre sa pelikula, a young novice whose path interwines sa isang ex-cop, Robin Padilla, when she enlists Robin’s services in rescuing her older sister, Bernadette Alysson mula sa kamay ng drug lord na ginampanan ni Tonton Gutierrez. "It feels nice wearing this kind of habit," said Claudine na first time naka-trabaho si Robin. "Ang sarap ng feeling. I won’t be surprised if I start dreaming of being a nun. Life inside that convent must be peaceful. You can see it in the faces of the nun, di ba?
"He’s a such gentleman," sabi ni Claudine about Robin na naging attentive at supportive sa lahat ng naging leading ladies niya.
Aside from Robin and Claudine also in the movie are Raymond Bagatsing, Vhong Navarro and Renzo Cruz.
Pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang hindi pagpapalabas ng episode ni Aga Muhlach sa Sharon Cuneta Show last Sunday. Before Sunday kasi ay pina-plug na ang nasabing episode pero all of a sudden ay replay ang napalabas.
Dumating naman daw sina Aga sa studio ahead time kasama ang buong cast ng Da Body en Da Guard pero hindi sila nilabas ni Sharon at hindi man lang nagsabi na hindi na sila masasalang. At nang makita nga raw ni Roderick Paulate si Sharon, masama ang mukha nito na parang sila pa (grupo) ni Aga ang may kasalanan sa nangyari samantalang kung tutuusin ay sila Aga ang naging biktima.
Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganito sa Sharon. Ayon sa ilang ABS-CBN insider, bukod sa pagiging demanding ni Sharon sa mga guest niya, problema rin daw ng programa ang mga staff nito.
Kahit saan anggulo mo tingnan, mali si Sharon at ang staff niya. Ngayon, paano ito ipaliliwanag ng megastar. Anong rason ng maliliit na mamamayan na iboto ang asawa niyang si Kiko Pangilinan na kandidato sa pagka-senador kung ganito ang attitude ng asawa niya sa katulad ni Aga. Ano pa kaya sa maliliit na mamamayan? Kaya ngayon pa lang kailangan na tayong mag-isip kung sino ang iboboto natin. Baka magkamali tayo. Nasa huli ang pagsisisi.
Ito ang sinabi ng komedyante nang umattend siya sa opening ng national headquarters ni Noli De Castro sa may Edsa kamakailan. Base sa kuwento ng mga reporter na nakausap siya, okey lang siya ngayon dahil magiging abala naman daw siya sa pagtulong sa pangangampanya ni Noli de Castro. Marami raw kandidato ang kumukuha sa kanya para mangampanya kung saan babayaran siya ng malaking halaga. Pero mas pinili raw niyang si Kabayang Noli ang iindorso dahil during the time na nasa ABS-CBN siya ay naging mabait sa kanya si Noli as in kahit saan sulok ng ABS-CBN siya makita, binabati siya nito.
Bukod kay Willie, nauna na ring sinabi ni Robin Padilla sa presscon of Ooopps...Teka Lang with Claudine Barretto na si Noli de Castro rin ang tutulungan niya ngayong election dahil sa sinamahan siya noon sa Abubakar nang i-appoint siya noon bilang isa sa mga peace negotiator sa Abu Sayyaf.
Anyway, sa pag-alis ni Kabayang Noli sa TV Patrol, wala pa ring definite kung sino ang papalit sa kanya bilang anchor. Ang alam lang ng lahat ngayon, iri-reformat ang nasabing news program - ibabalik ito sa original format na maraming portion at apat ang host.
Nag-guest kelan lang ang mag-asawa sa Kris Aquino show at it looks like selosa nga siya. Actually, wala namang masama kung selosa si Lenlen. Ang masama lang do’n baka ma-turn off ang mga fans kay Bayani kung nakikita ng maraming tao ang pagiging under niya.
At any rate, si Bayani ang nag-provide ng comic relief sa Hostage nina Cesar at Kristine Hermosa. The movie is set to kick off on March 14.
Kilala kasi si Robin sa pagiging strict sa mga leading lady niya as in kung may boyfriend ka, bawal ang dalaw. Pero sa kaso ni Claudine, napakiusapan siya ni Rico. Maayos naman ang kanilang pag-uusap at okey kay Robin na dalawin si Claudine. "Actually, noon ‘yun, ngayon hindi na. Okey lang na dumalaw basta may dalang pagkain. Saka si Rico naman, once lang dumalaw sa set namin no’ng nasa Subic kami kasi nandoon na rin lang siya kaya dumalaw na. Basta ‘wag lang ‘yung may kissing scene kami," he says during the presscon of the said movie.
Anyway, Ooops, Teka Lang... Diskarte Ko ‘To, hindi bad girl si Claudine kumpara sa kanyang last movie, Anak with Vilma Santos. Isa siyang madre sa pelikula, a young novice whose path interwines sa isang ex-cop, Robin Padilla, when she enlists Robin’s services in rescuing her older sister, Bernadette Alysson mula sa kamay ng drug lord na ginampanan ni Tonton Gutierrez. "It feels nice wearing this kind of habit," said Claudine na first time naka-trabaho si Robin. "Ang sarap ng feeling. I won’t be surprised if I start dreaming of being a nun. Life inside that convent must be peaceful. You can see it in the faces of the nun, di ba?
"He’s a such gentleman," sabi ni Claudine about Robin na naging attentive at supportive sa lahat ng naging leading ladies niya.
Aside from Robin and Claudine also in the movie are Raymond Bagatsing, Vhong Navarro and Renzo Cruz.
Dumating naman daw sina Aga sa studio ahead time kasama ang buong cast ng Da Body en Da Guard pero hindi sila nilabas ni Sharon at hindi man lang nagsabi na hindi na sila masasalang. At nang makita nga raw ni Roderick Paulate si Sharon, masama ang mukha nito na parang sila pa (grupo) ni Aga ang may kasalanan sa nangyari samantalang kung tutuusin ay sila Aga ang naging biktima.
Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganito sa Sharon. Ayon sa ilang ABS-CBN insider, bukod sa pagiging demanding ni Sharon sa mga guest niya, problema rin daw ng programa ang mga staff nito.
Kahit saan anggulo mo tingnan, mali si Sharon at ang staff niya. Ngayon, paano ito ipaliliwanag ng megastar. Anong rason ng maliliit na mamamayan na iboto ang asawa niyang si Kiko Pangilinan na kandidato sa pagka-senador kung ganito ang attitude ng asawa niya sa katulad ni Aga. Ano pa kaya sa maliliit na mamamayan? Kaya ngayon pa lang kailangan na tayong mag-isip kung sino ang iboboto natin. Baka magkamali tayo. Nasa huli ang pagsisisi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended