^

PSN Showbiz

Ang taong ginawan mo ng mabuti ay hindi na ang taong gaganti sa iyo

-
Mahusay ang mga artistang gumanap sa Pay It Forward, baga-ma’t hindi naman bago ang konsepto sa likod ng pelikula upang magbago ang takbo ng mundo at mamayani ang kabutihan sa bu-ong sangkatauhan. May kasabihan tayo sa tagalog na ang mga taong ginawan mo ng mabuti ay hindi na ang taong gaganti sa iyo ng kabutihan. Iba na. At kapag ang ginawa mong kabutihan ay may katapat na kabu-tihan din, hindi mo na matatanggap sa taong binigyan mo ng pabor. Nasasaad din ito sa kung minsan ay pinag-kakamatayang utang na loob ng mga Pili-pino. Kailangang pa-halagahan ang utang na loob at dapat ang utang pinagbabaya-ran.

Valid din naman ang philosophy ng Pay It Forward at kung totoong gagantihan ng three times ang isang kabutihang ginawa sa iyo at magkakapatong-patong ang mga kabu-tihan ito sa buong li-punan, eh di maganda sana. Pero hindi nito isinaalang-alang ang kasamaan ng iba na kung minsan may ta-ong ginawan mo na ng pabor, ikaw pa ang ka-kataluhin sa bandang huli.

Ang bida nga sa pelikula na ang batang si Haley Joel Osment na likas ang kabutihan sa pagtulong sa iba ay magiging biktima at mamamatay dahil sa pagtulong niya sa ibang bata.

Mahirap na pamilya si Trevor (HaleyJoel) at ang kanyang single mother na si Arlene (Helen Hunt).

Dinodoble ni Arlene ang kanyang trabaho upang maitaguyod ang buhay nilang mag-ina. Lasengga si Arlene at ang ama ni Trevor na si Jon - Bon Jovi ay nasa rehab.

Nag-aaral si Trevor sa isang malaking paaralan sa poorer section ng Las Vegas. Teacher niya si Kevin Spacey, isang taong maayos at tahimik ang buhay. Sunog ang mukha at katawan ni Eugene Simonet (Spa-cey) dahil sa isang sakuna noong bata siya. Wala siyang asawa at anak kaya mag-isa lang siyang namumuhay. Hindi akalain ni Mr. Simonet na ang kanyang as-signment sa kanyang social studies tuwing umpisa ng school year ay seseryosohin ng isa niyang estudyante pero natutuwa siya sa ginagawa nitong eks-perimento sa buhay.

Ang assignment na ibinigay ni Mr. Simonet sa kanyang mga estudyante is to "think of an idea that could change the world and put it into action." At ang naisip nga ni Trevor ay ang ideya ng Pay It Forward. Sinikap din ng bata na tulungan ang dalawang malapit na tao sa kanya — ang kanyang ina at ang kanyang teacher — na magka-gustuhan. Ayaw ni Arlene ang pangmatagalan o permanenteng relasyon dahil nga sa kanyang mga nakaraang karanasan. Ayaw din ni Spacey ng anumang relasyon na gagalaw pa sa stability ng kanyang buhay, pero nag-iibigan na rin silang dalawa.

Dumating ang ama ni Trevor at sinikap ni Arlene na bigyan ng second chance ang kanilang pagsasama pero hindi nagtagumpay.

Isang reporter na nabiyayaan ng idea ng konseptong ito ng pay it forward ang nagsikap na isulat o i-broadcast ang mga halos pinagtagni-tagning pangyayari sa biyaya ng pay it forward movement kung kanilang tawagin. Natunton niya si Trevor sa eskuwelahan nito sa Las Vegas at nai-tape niya ang mga nasa isip at damdamin ng bata. Naipalabas din sa telebisyon ang mga sinabi ni Trevor at kay daming mga tao ang nakarinig at nakapanood ng interview niya ang sumang-ayon at na-touch sa kanyang konsepto ng kabutihan. Ang iba na mula pa sa malayong lugar ay nagtungo at nagpugay kay Trevor sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at dasal sa kanyang tahanan nang mabalitaang ito ay napatay dahil sa pagtulong sa iba.

ARLENE

KANYANG

LAS VEGAS

MR. SIMONET

PAY IT FORWARD

TREVOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with