Emma Cordero, nabiktima ng talent coordinator!
February 25, 2001 | 12:00am
Naloko kamakailan si Emma Cordero ng isang nagpapanggap na talent coordinator daw ng Channel 2.
Diumano ay kinunan si Emma ng lalaki na nagngangalang Earth Pesalvon ng halagang P3,000 para makapag-guest sa Martin Late@Nite. Nagbigay pa ito ng sob story na dahilan sa nag-iisa na si Martin sa buhay ay nangangailangan ito ng suporta ng mga kasama niya sa hanapbuhay. Ang P1,000 mula sa ibinigay ni Emma, na P3,000 ay babalik kay Emma bilang talent fee niya for guesting in Martin’s show. Ang P2,000 ay gagamiting transportation money ng talent coordinator at fee for his efforts sa pagkuha kay Emma bilang guest sa show.
Maraming ibang offers si Emma nung araw na dapat ay mag-guest siya dahil Valentine’s Day pero binale-wala niya. Mas mahalaga ang mapanood siya sa show ni Martin. Bihira siyang makita sa local TV dahil nga palagi siyang nasa abroad at kumakanta.
Isa pang dahilan kung bakit gusto niyang mag-guest kay Martin ay makakasabay niya sina Kris Aquino at Vilma Santos.
Ang kaso, nang dumating siya sa ABS- CBN ay walang show si Martin na naka-schedule. Wala ring taping. Saka lamang niya na-realize na niloko siya.
Emma has appeared on Kumusta Kabayan sa TFC Channel ng Dos. May radio tour din siya para sa kanyang awiting "Tanging Ikaw" mula sa kanyang album na "Hello My Love." Nakatakda siyang tumanggap ng award bilang Asia’s Princess of Songs. – Obette Serrano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended